Joem at NCAA MVP Johnvic De Guzman magpapasiklab
MANILA, Philippines - Parehong may ibubunyag ang Kapamilya hunk na si Joem Bascon at ang volleyball star na si Johnvic De Guzman ngayong Huwebes (Hunyo 29) sa Sports U sa ABS-CBN.
Ibabahagi ng Pusong Ligaw star ang tipo ng training na kanyang ginagawa para mabalanse ng trabaho at ehersisyo, samantalang si Johnvic naman ay magkukwento sa ginagawa niyang preparasyon bilang team captain ng Philippine men’s volleyball national team sa paparating na Southeast Asian Games sa Malaysia.
Silipin din ang mga susunod sa yapak ng Olympian figure skater na si Michael Martinez sa ginanap na Summer on Ice sa SM Mall of Asia.
Abangan ang lahat ng ito sa Sports U kasama si Dyan Castillejo ngayong Huwebes pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable Ch. 167), at sa Sabado (Hulyo 1) ng 6:30 a.m. sa S+A. Mapapanood din ito sa online sa www.iwantv.com.ph at www.skyondemand.com.ph.
- Latest