^

PSN Showbiz

Aktres sinipag na mag-make up dahil sa lalaki

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Boyfriend lang pala ang kailangan ng isang aktres para sipaging mas mag-ayos at magpa-make up. Bago mag­ka-boy­friend, problema ang aktres ng staff ng show na kinabibilangan nito dahil ayaw mag­pa-make up. Walang makakumbinse sa kanyang magpa-make up kahit kina­gaga­litan na ng program manager.

Minsan, mas lumalabas pang maganda sa screen ang guest ng show kesa sa aktres na isa sa mga bida dahil humaharap ito sa camera na walang kolorete sa mukha. Maganda ang aktres, pero kailangan pa ring mag-make up na iniiwasan naman nito. Sa inis ng production sa katigasan ng ulo nito ay hindi na siya pinakikialaman.

Nagbago ang lahat nang magka-BF ang aktres, nawalan ng problema ang production dahil hindi na siya kailangang tawagin para lagyan ng make up. Siya ang kusang lumalapit sa make up artist. Kaya gustong pasalamatan ng production ang boyfie ng aktres.

Kris pinatahimik na ang bashers

Nakakita ng paraan si Kris Bernal para hindi siya ma-bash ng netizens tuwing nagpu-post ito ng picture na nagwu-workout. Ino-off niya ang comments section ng Instagram (IG) account kaya nganga ang bashers. Ang iba ay sa ibang post ni Kris nagku-comment.

Gaya na lang sa la­test post ni Kris na nasa gym siya at ipina­ki­ta ang kanyang abs at magandang katawan. 

Samantala, ipinost din ni Kris ang video kung paano siya nilalagyan ng prosthetics para sa Nimfa, karakter niya sa Impostora. Naka-Nimfa look kasi siya nang mag-guest sa Sunday PinaSaya para sa promo ng teleserye na pilot na sa July 3.

“The transformation to Nimfa takes two hours! It’s no joke! Trivia: I can’t munch anything or take a bite of any food or liquid with those fake teeth on!”

Alessandra at Empoy ginastusan ni Piolo

Ang Spring Films nina Piolo Pascual, Erickson Raymundo, at Bb. Joyce Bernal ang producer ng Kita Kita, ang pelikulang pinagta­tambalan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. Sila ang tinatawag na Millennial Leading Lady at Leading Man.

Una itong ipinalabas noong May sa Cine Adarna sa UP. Isa rin ang Kita Kita sa Filipino Films na nag-participate sa 2017 Osaka Asian Film Festival and part siya ng competition section.

Si Sigrid Andrea Bernardo ang director ng Kita Kita na director din ng Ang Huling Cha Cha Ni Anita na umani ng papuri sa critics at moviegoers.

Star-studded ang movie tour o mall tour nina Alex at Empoy para i-promote ang Kita Kita dahil minsan, sumasama si Piolo Pascual at kumakanta. Minsan, si Angeline Quinto at minsan, si Erik Santos naman.

Lovi hinahanapan ng sisisiran ng dyowa

Ang sweet naman ng boyfriend ni Lovi Poe na si Chris Johnson dahil hinahanapan ng diving spots ang aktres. May post sina Iza Calzado at mga kaibigan nito na ang caption ay “Weekend Dive Crew.”

Nabasa namin ang post ni Chris na “Woohoo! You guys need to show us your secret diving spots @poevirginia is hooked.”

Makikita nga sa Instagram (IG) ni Lovi na karamihan sa latest pictures na ipinost niya ay nasa beach sila ni Chris, merong nasa underwater sila at nasa duyan lang ito, pero nakaharap sa beach. Nakara­ting na sila sa Palawan sa pag­hahanap ng perfect diving spot.

Sabi ni Lovi, “I’ve been a licensed diver for years but only got to refresh my memory again now! Oh when adventure knocks on your door.”

Nakatulong siguro para balikan ni Lovi ang di­ving dahil sa role niyang isang sirena sa Mulawin vs. Ravena.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with