^

PSN Showbiz

Pangarap ng ina natupad, dating young actress buhay donya sa piling ng bilyonaryong asawa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maganda na ang buhay ngayon ng isang dating young actress na produkto ng isang reality show. Sa rami nilang sumubok sa labanan ay namumukod-tangi siya dahil sa bubot niyang edad ay nagmamalaki na ang kanyang mga dibdib.

Maganda ang young actress, yayamanin pa siya kung magsalita at kumilos, dahil dating maykaya ang kanilang pamilya. Lumipad ang suwerte nang magkalugi-lugi sa negosyo ang kanyang ama.

Kuwento ng aming source, “Mabait ang girl, walang kaangas-angas kahit pa nakilala na rin naman siya dahil sa sinalihan niyang reality show.

“At may karapatan siyang magmaldita dahil maganda siya at matalino, may ibubuga siya kahit saan natin daanin. Pero maganda na siya, e, maganda pa ang ugali niya,” sabi ng aming impormante.

Nu’n pa man ay pangarap na ng kanyang ina na magkaroon ng mayamang karelasyon ang kanyang anak. Hirap na hirap na kasi ito sa buhay, mag-isa lang itong nagtataguyod sa young actress, nawala na lang na parang bula ang ama niya.

“Ayaw na ayaw nu’n ng mommy niya sa mga nanliligaw sa kanya. Ano raw ang magiging future niya sa mga bagets na nag-aartista rin lang at naghahanap ng suwerte?

“Kahit daw matandang-matanda na, basta mamahalin siya at ibibigay ang lahat ng kailangan ng family nila, e, walang problema kay mommy.

“At pagkatapos nga nang matagal-tagal na paghihintay, e, natupad din ang dream ng kanyang mother dear. May nakilala siyang mayaman na nagmahal naman sa kanya at handang ibigay ang lahat-lahat ng kaginhawahan sa buhay nilang mag-ina.”

Tinalikuran na niya ang pag-aartista, milya-milya na ang layo ng kabuhayan showcase niya ngayon sa mga kasabayan niya sa isang malaking bahay, donyang-donya na ngayon ang girl na batambata pa ay nagmumura na ang boobs.

“Maganda pa rin siya, sexy pa rin, sinuwerte ang girl dahil mahal na mahal siya ng lalaking natagpuan niya. Hindi naman nakapagtatakang totohanin siya ng guy dahil maganda talaga ang ugali niya.

“Na-bless ang girl, hindi siya escabeche lang, binigyan talaga siya ng pangalan ng lalaking gusto na niyang makasama habambuhay. Paborito niya ang kantang Do You Know The Way To San Jose,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Iza may nakaabang na agad na trabaho

Ang galing-galing talagang umarte ni Iza Calzado. Wala kang itatapong eksena habang tinututukan mo siya sa seryeng A Love To Last. Kundi nga mag-iingat si Bea Alonzo ay parang gutom na tigreng lalamunin ito ng simpleng atake ni Iza.

Napakabilis niyang umiyak, maraming tagpo sa serye na hindi siya hinihiwalayan ng mga camera, tuhog ang eksena kaya kitang-kita ang pamumuo ng kanyang luha hanggang sa bumagsak na.

Kundi mo kilala nang personal si Iza Calzado ay maiisip mo na siguro’y napakalalim ng kanyang hinuhugutan kaya ganu’n siya kagaling umarte.

Hindi pilit ang kanyang pagganap, ibinibigay lang niya ang kailangan sa eksena, pero sa bandang huli ay malalaman mo na lang na inangkin na niya ang entablado at mapapanganga ka na lang sa husay niya.

“At napakaganda niya, wala siyang maling anggulo, sobrang ganda ng babaeng ‘yun. Kundi lang ako gay, siya ang babaeng gusto kong pakasalan,” biro ng isang beki naming kaibigan.

Du’n sa breakdown scene niya sa serye kung saan ikakasal na sina Anton (Ian Veneracion) at Andeng (Bea) ay umani ng tagumpay si Iza. Nu’n lang kasi niya na-realize na gusto pala niyang mabigyan ng ikalawang pagkakataon ang relasyon nila ng ama ng kanyang mga anak.

Tumawag sa amin ang isang kaibigan na humihikbi-hikbi pa, kaya akala nami’y kung ano na ang nangyari, pero ang galing palang umarte ni Iza ang dahilan.

“Nakakainis! Patulog na lang ako, e, pinaiyak pa ako ni Iza! Ang galing-galing niyang umarte, nakakaawa naman siya. Kaso, huli na ang lahat, ikakasal na si Ian sa iba, siya naman kasi, e!” tawa kami nang tawa sa reaksiyon ng aming kaibigan.

Ganu’n ang mga reaksiyong tinanggap namin. Hindi na nakapagtataka kung pagkatapos ng A Love To Last ay may simulan agad na serye sa ABS-CBN ang maganda at magaling na aktres.

Si Iza Calzado ang klase ng artistang hindi puwedeng ipamigay. Siya ang klaseng inaalagaan dahil sa epektibo niyang dating sa manonood.

Uwian na, may nanalo na, si Iza Calzado!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with