^

PSN Showbiz

Aiza nadagdaganang trabaho!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Isa lamang patunay ng pagiging masipag ni Aiza Seguerra sa tungkuling ipinagkaloob sa kanya ni President Rody Duterte bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC) ay ang pagtatalaga sa kanya bilang miyembro ng Appeals Committee ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

Isa siya sa mga hahabulin ngayon ng mga prodyuser na magkakaroon ng problema sa kanilang mga pelikula sa nasabing ahensya ng gobyerno.

Samantala, sa kanilang kaabalahan ni Liza Diño, magkaroon pa kaya sila ng panahon para makabuo ng pamilya?

Kean nagkadireksiyon ang buhay sa anak

Aakalain ng marami na mababawasan na ang atraksyon sa kababaihan ng frontman ng bandang Calla Lily na si Kean Cipriano dahil nag-asawa na ito’t nagkaroon ng anak. Hindi pala. Sa huling paglabas nito sa Magandang Buhay ay nakakitaan siya ng malaking pagbabago.

Hindi lamang sa kanyang pananaw sa buhay kundi maging sa kanyang looks. Maikli na ang buhok niya at wala na siyang balbas at palagi nang may nakaambang ngiti sa kanyang mga mata. Obvious na masaya si Kean sa kanyang bagong estado sa buhay. Bagaman at parang umonti ang pagdating ng roles, ang mga gig at palabas na nagtatampok sa kanya bilang singer ay marami pa rin.

Nakagawa pa siya ng isang kanta para sa kanilang anak ni Chynna Ortaleza na nagngangalang Stellar na mula sa pamagat ng isang awiting paborito nilang mag-asawa. Inamin niya na sa pagdating ng anak ay nagkaroon ng direksyon ang buhay niya, na­bigyan siya ng sense of purpose. Gusto niyang lahat ng bagay ay nasasaayos.

Andi hands-on sa baon ni Ellie

Kung umani man ng paghanga si Kean Cipriano sa ginawa niyang paggi-guest sa Magandang Buhay ganundin naman si Andi Eigenmann na ipinakita ang sinasabi ng ina niyang si Jaclyn Jose na “She’s a good mom” sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga paraan ng paggawa ng baon para sa kanyang anak na si Ellie.

Nasa kindergarten na ang bata at kahit pang-recess lamang ang kailangan nito ay sinisimulan na rin itong pag-isipan ng lunch. 

Kung makikita ang anak ni Andi, hindi pagtatakhan kung bakit naging interesado rin dito ang kanyang ama.

Bukod sa napaka-charming ng bata ay nakuha rin nito ang ganda ng kanyang lola’t ina at mukhang lumalaking mabait.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with