^

PSN Showbiz

Magandang aktres topakin, parang pipi ‘pag sinusumpong!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May sariling mundo. Ganu’n kung ilarawan ng kahit sinong nakakaengkuwentro niya ang isang magandang aktres na hindi na kabataan pero hindi pa rin naman katandaan.

Kuwento ng mga kababayan nating nakasama niya sa trabaho nang matagal na panahon sa isang malamig na bansa ay kabisado na nila kapag nasa kasagsagan ang sumpong ng magandang aktres.

Hindi siya kinakausap ng mga ito, hindi kinikibo, dahil siguradong kapag ginawa nila ‘yun ay para lang silang nakikipagkumustahan sa kahoy. Dedma lang kasi siya. Parang walang naririnig.

Kuwento ng isang balikbayan, “Of course, kilalang-kilala siya ng mga Pinoy sa place, bago kasi siya nag-decide na mag-stay du’n sa bansang ‘yun, e, kilalang-kilala na siya rito.

“Matindi ang mood swings niya. Mahirap siyang pakibagayan, mahirap hulihin ang ugali niya. Kung ayaw niyang makipag-usap, ‘di huwag! Kung gusto niyang buruhin ang laway niya sa maghapon, go ahead!

“Ganu’n na lang ang ginagawa ng mga kababayan natin kapag may sapak ang babaeng ‘yun! Kapag gusto niyang lumipas ang buong araw na ayaw niyang makipag-communicate kahit kanino, walang kumikibo sa kanya,” kuwento ng aming impormante.

Ganu’n din ang kuwento ng mga nakakatrabaho ng magandang female personality ngayong nagdesisyon na siyang bumalik sa pag-aartista. Consistent ang kuwento. May sarili siyang mundo.

“Minsan, sumesenyas lang siya sa set kapag may gusto siyang hingin sa uti­lity. Kapag water ang kailangan niya, sesenyas siya na parang may baso siyang hawak at gusto niyang uminom. Magkaiba ang panghihingi niya ng tubig kesa sa panghihingi niya ng coffee.

“Sesenyasan niya ang utility na kunwari, e, may hawak siyang tasa na hinahalo niya ang laman. Kapag brush naman ang kailangan niya, sesenyasan niya ang PA niya na kuwari, e, nagsusuklay siya!

“Ganu’n lang siya kapag meron siyang sumpong. Silent movie ang drama niya! Hindi mo siya maririnig na nagsasalita, senyas lang siya nang senyas!

“Parang effective naman ang drama niya dahil naiintindihan siya ng kaharap niya. Para bang sinasabi ng mga taong ‘yun ang ‘Yes! I can feel you, I can feel it!’ ‘Di ba naman?” tawa nang tawang pagkukuwento ng aming source.

Ubos!

AiAi napatunayan na hindi pera ang habol ng mapapangasawa

Parang laruan lang para kay AiAi delas Alas ang pera. Sinisinop ng Comedy Concert Queen ang mga pinaghihirapan niya, pero hindi niya dinidiyos ang salapi, inaalipin niya.

Isa ‘yun sa mga dahilan kung bakit hindi siya pinagbabago ng kasikatan, balewala sa kanya ang mga materyal na bagay, hindi pinalaki ng magandang kapalaran ang ulo niya.

Namanhikan na ang pamilya ni Gerald Sibayan para sa nalalapit nilang pagpapakasal. Ipinagtaka ng mga kababayan natin kung bakit may mga abogado sa pamanhikan.

Nagkaroon ng prenup. Pero hindi kay AiAi nanggaling ang ganu’ng ideya kundi mula kay Gerald. Gustong itama ng mapapangasawa ng Philippine Comedy Queen ang sitwasyon bago sila humarap sa altar.

Simple lang ang gusto ng kanyang apat na taong nang karelasyon, malinis ang hangarin nito sa kanya, kaya ang kung anumang hawak na ng komedyana bago pa sila naging magkarelasyon ay kanyang-kanya lang.

Dati nang mahal na mahal ni AiAi si Gerald dahil sapat na ang apat na taong pagkakilala niya sa binata. Pero siguradong mas tumindi ang pagmamahal at respeto niya kay Gerald sa pagkakaroon ng ideyang magkaroon ng pre-nuptial agreement bago sila tuluyang magpakasal.

Hindi lang kay AiAi marespeto si Gerald, may matinding respeto rin ito sa kanyang sarili, hindi lahat ng lalaki ay magkakaroon ng bukal na layuning ganu’n sa ipinakita ng badminton coach-trainer.

Aminado ang komedyana na marami siyang nagawang maling desisyon sa kanyang buhay, pero hindi ang sakit ang binigyan niya ng tutok, kundi ang mga leksiyong napulot-natutuhan niya mula du’n.

Sa nakikita naming pagmamahalan nila na walang halong pagpapakitang-tao lang at gamitan ay alam namin, ang pagpapakasal kay Gerald Sibayan ang isang desisyong tama na gagawin ni AiAi delas Alas, kakambal ng kanilang relasyon ang forever.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with