PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Daniel gagawin nga lang bang support nina Vice at Pia?

Daniel Padilla

Wish ng fans ni Daniel Padilla na maging maganda sana ang role niya sa pelikulang pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 na pagsasamahan nila nina Vice Ganda at Pia Wurtzbach.

Hindi naman siguro siya isinama sa movie dahil lang malakas siyang humatak ng manonood at malaki ang maitutulong sa pelikula. Ang ikinatatakot lamang ng mga supporter ni DJ ay mauwi sa support ang kanyang role. Okay noong sila lamang ni Vice ang nasa cast but with Pia’s addition, mukhang mag-iiba ang takbo ng istorya. 

Wish ng fans ni DJ ay hindi siya masakripisyo. Ito ang dapat na siguruhin din sa kanila ni Momshie Karla Estrada.

Piolo walang kikitain sa pagiging ambassador ng OMB

Sa kanyang kaabalahan ay nagawa pang pumirma ni Piolo Pascual bilang ambassador ng Optical Media Board. Kaya, humanda kayo mga pirata at hindi patatahimikin ng magaling na aktor sa masamang gawain.

Isang advocacy niya ito na binigyan ka­tuparan ng OMB sa pamumuno ni Atty. Anselmo Adriano. Klinaro lamang ng aktor na hindi niya ito ginagawa bilang paghahanda sa isang poli­tical career kundi para maprotektahan din ang kanyang karapatan bilang isang prodyuser ng mga pelikula.

Narating ang kongklusyon na ito dahil wala ni isang sentimong mata­tanggap ang aktor sa kanyang magi­ging gawain sa nasabing ahensya ng gobyerno.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Rayver at Janine nangangamoy relasyon na

Tanda ng mabuting pagkakaibigan ng magkapareha sa Legally Blind na sina Mikael Daez at Janine Gutierrez ay ang open approval ng aktor sa panunuyo ng Kapamilya actor na si Rayver Cruz. Kung dati ay sabay-sabay silang lumalabas ng cast para mag-bonding, ngayon they don’t mind kung gumawa man ng sarili nilang lakad ang dalawa tulad ng panonood nila ng Wonder Wo­man. 

Kung si Rodjun Cruz ay boto sa panliligaw ni Rayver kay Janine, wala rin namang tutol ang nanay ni Janine na si Lotlot de Leon sa proseso ng getting to know each other ng dalawa. Ganun din naman marahil si Ramon Christopher who has found a gentleman in Rayver.

Gil nagbago na ng isip kay Jennylyn

Ang nangyaring trahedya kay Rachel Andrada (Rhian Ramos) ay nagbibigay ng malaking problema sa kapulisan. Nagpakamatay ba ito o pinatay? Sa kabila ng pagbibintang ng kasalanan kay Steffi (Jennylyn Mercado) nagawa nitong maiiwas at ma-redeem ang sarili. Ang dating malamig sa kanyang si Matteo (Gil Cuerva) ay handa na siyang ipagtanggol sa mga gustong manakit sa kanya.

Patuloy naman si Bb. Joyce Bernal sa pagpapaigting ng kuwento ng pag-ibig sa pagitan ng isang alien at isang tao, Lunes hanggang Biyernes sa My Love From the Star ng GMA.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: