PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kim Domingo mas daring sa ‘State of Undress’ photo book

Naglabas ng photo book si Kapuso sexy actress Kim Domingo. Instagram/Therealkimdomingo

MANILA, Philippines – Sa kasagsagan ng annual online poll ng isang men’s magazine, pinatunayan ni Kapuso sexy actress Kim Domingo kung bakit siya ang dapat tanghalin na number one sa “100 Sexiest Women in the World.”

Ginulat kahapon ng French-Filipina bombshell ang kanyang mga fans nang maglabas siya ng isang teaser ng kanyang unang sexy photo book na ‘Kim Domingo: State of Undress.’

“Shot by FHM regulars Shaira Luna, Ejay Leung, and Paolo Pineda, the collection of intimate and provocative images lets fans connect with Kim as she reveals the details of her celebrity journey,” pahayag ng FHM Philippines.

Unang sumikat si Domingo sa kanyang Youtube video na Twerk it Like Miley at naging regular na parte ng GMA show na Bubble Gang.

Dalawang beses na rin siyang naging cover ng FHM Philippines.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: