^

PSN Showbiz

Kathryn at Liza parehong lilipad!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kathryn at Liza parehong lilipad!

Kathryn Bernardo

Lalaki ang gap sa pagitan ng suppor­ters nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano na nagsimula sa paglalaban ng loveteams nilang KathNiel at LizQuen. Nasundan pa ito nang pareho silang na-consider para gumanap na Darna. Mas iigting pa ang kumpetisyon nila sa pagkakahirang kay Liza para sa role ng Pinay superhero at kay Kathryn sa La Luna Sangre.

Kung paano pag-aawayan ng mga fans ang roles nina Kathryn at Liza ay may kinalaman sa istorya at genre ng kanilang mga bagong proyekto. Parehong action ang gagawin ng dalawa. Kasalukuyan nang sumasabak sa training si Kathryn ng wushu at pikiti, magsasanay din itong gumalaw ng naka-harness dahil nakaangat sa lupa ang character niya na matitikman din ni Liza dahil lumilipad ang character niya. Pag-aawayan din sigurado ng fans nila kung sino sa kanilang dalawa  ang mas magaling mag-action. In the long run, ma­nanaig ang kung alin sa dalawang pro­yekto ang mas magaling na magagawa ng mga direktor na maa-assign sa mga palabas nila. May bentahe nga lamang si Kathryn dahil kasama pa rin niya si Da­niel Padilla samantalang kailangang sumwak naman kay Liza ang papapel sa sidekick niyang si Ding. 

Jennylyn at gil natulungan pa rin ni Kim

Masaya ang mga bida ng remake ng Love From the Star na sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva dahil pati na orihinal na bida ng serye na gawa sa Korea na si Kim Soo Hyun ay dumating ng bansa at nasabay sa pagpu-promote niya ng isang produkto ang pagsisimula ng pagpapalabas sa GMA ng Pinoy na bersyon ng LFTS. Hindi lamang ang sikat na Koreano ang nangako ng suporta sa lokal na serye kundi maging ang napakaraming K-Pop fans. 

Boy intsik lalagare sa filmfest abroad

Matagumpay naman ang special screening ng Boy Intsik na itinaguyod ng Philippine Mo­vie Press Club (PMPC) sa tulong ng Frontrow Entertainment nung Linggo sa isang sinehan sa Fisher Mall.

Dalawang screening ang ginanap, isang regular screening ng 4:00pm at isang cele­brity screening sa 6:00pm. Hindi nagkamali ang maraming manonood na saksihan ang pelikula sa kanyang huling pagpapalabas locally dahil magsisimula na ito ng kanyang round sa mga international filmfest. Tampok sa movie sina RS Francisco at Ronwaldo Martin, na mahusay na nagampanan ang kanilang mga roles bilang mga magnanakaw at snatcher na siya nilang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay. Beki si RS pero itinawid niya ang kanyang role na babaeng-babae. Isang kabataang lalaki naman si Ronwaldo na inampon at itinuring na anak ng character ni RS. Sa galing na ipinamalas nila sa pelikua, inaasahang makukuha ng dalawang aktor ang pagkilala ng mga taong nasa likod ng mga makakalaban nilang pelikula.

Lauren kinakaawaan

Ang daming naawa sa role ni Lauren Young sa Legally Blind. Nakakaawa man si Charie (Lauren), pero tama lang din na tiisin siya ngayon ng kanyang ina na si Marissa (Chanda Romero) at ate nitong si Grace (Janine Gutierrez) ngayong isa siya sa mga dahilan sa pagkawala ni Nina (Teri Malvar). Piliin mo ba naman kasi si William (Marc Abaya) over them na kadugo mo to the point na ipagtabuyan mo sila sa buhay mo, sino ba namang hindi masasaktan? ‘Yan ang dapat pakatutukan sa Legally Blind ngayong nalalapit na ang pagtatapos nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with