^

PSN Showbiz

Fans tilian Maine nagpaka-sensual sa concert ni Alden!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang sipag ni Alden Richards ‘ha? Kahit pagod siya sa kanyang successful concert sa Kia Theater noong Sabado, umapir pa rin siya kahapon sa Sunday PinaSaya para pasalamatan ang lahat ng mga nanood ng Upsurge.

Jampacked ang concert ni Alden at ayon ito kay Celia, ang kasambahay ko na umalis ng bahay ng 3:30 p.m. noong Sabado, hitsurang 8 p.m. ang start ng show, at bumalik ng 12 a.m. dahil pinatigil muna niya ang pagpatak ng ulan.

Ang sey ni Celia, nag-enjoy siya sa panonood dahil maganda ang concert ni Alden. Maraming salamat sa mga kinulit ko para mabigyan ng complimentary tickets ang angel ko sa bahay at ang pamangkin niya na number one fan ni Alden.

Siyempre, kasama si Celia sa fans ng AlDub na tumili nang umapir sa stage si Maine Mendoza at may sensual dance production number, kasama si Alden.

Sila ang fans na tumutok sa pagtatapos ng Destined to be Yours noong Biyernes at humihiling sa GMA 7 na bigyan ng bagong teleserye sina Alden at Maine.

Dahil isang big success ang Upsurge, puwedeng-puwede ito na magkaroon ng repeat sa mas malaki na venue.

Bong at Lani sa Crame nag-celebrate ng wedding anniversary

Belated happy anniversary sa mag-asawang Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Ipinagdiwang kahapon nina Lani at Bong ang 31st wedding anniversary sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Nanghihinayang ako dahil hindi ako nakabisita kahapon kay Bong at hindi ko sila personal na nabati ni Lani ng happy anniversary.

Alam ko naman na matatag at pang-forever ang pagsasama ng mag-asawa kaya isa lang ang anniversary wish ko para sa kanila, ang makalaya na si Bong mula sa pagkakakulong para next year, puwede na silang mag-celebrate ng wedding anniversary sa lugar na gusto nila, hindi na sa Camp Crame.

Mariel walang pressure sa katawan

Confirmed na magaganap ang coronation ng Miss International 2017 sa November 14 sa Tokyo Dome City Hall sa Japan.

May limang buwan pa si Mariel de Leon sa paghahanda para sa pagsabak niya sa 57th edition ng Miss International.

Si Kylie Verzosa ng Pilipinas ang reigning Miss International kaya hoping ang beauty queen aficionados na magkakaroon sila ng back-to-back win ni Mariel.

Pinipilit ng iba na bigyan ng pressure si Mariel pero mabibigo sila dahil hindi basta natataranta ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong. Wala sa bokabularyo ni Mariel ang pressure na salita. Sasali siya sa Miss International at gagawin ang lahat ng kanyang makakaya pero at the same time, ie-enjoy niya ang bagong karanasan.

Jennylyn bokya kay Kim Soo Hyun

Ngayong gabi na ang pilot telecast ng My Love from the Star ng GMA 7.

Sayang talaga dahil hindi nagkaroon ng chance na makilala nang personal nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva si Kim Soo Hyun, ang original star ng hit na Koreanovela.

Ang balita ko, hindi pumayag ang mga handler ni Kim Soo Hyun na magkaroon ito ng ibang activity sa Pilipinas dahil ang launch lang ng QLED television ng Samsung ang commitment nila.

Sangkatutak ang mga publicity ng pagbisita ni Kim Soo Hyun sa Pilipinas at maingay na maingay rin ang pagsisimula ngayong gabi ng local adaptation ng My Love from the Star na mas lalong bumongga kung may picture na magkakasama sina Jennylyn, Gil at ang sikat na Korean heartthrob na Number 2 sa mga Korean actor na type ko dahil nananatiling Number one si Song Joong-ki.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with