^

PSN Showbiz

Gab ayaw na naman sa showbiz

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

What’s wrong with Gab Valenciano?

Mukhang hindi pa rin natatagpuan ng 28-year-old son ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano ang gusto niyang gawin sa kanyang buhay.

Nariyang umalis siya ng Pilipinas at nagtungo ng Amerika only for him to make a comeback.  Nag-asawa at nahiwalay.  And lately ay naging visible siya dahil sa kanyang pagiging participant ng ongoing celebrity reality competition na I Can Do That.

Sa kanyang recent guesting sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Gab na plano niyang talikurang muli ang showbiz dahil gusto umano niyang mag-explore sa ibang bagay at kasama na rito ang pagdidirek at pagpu-produce ng music videos.  Katunayan, si Gab ang nagdirek ng bagong music video ng nakababata niyang kapatid na si Kiana Valenciano.

Ang nakatatandang kapatid ni Gab na si Paolo Valenciano ay may asawa’t anak na at masaya ito sa piling ng kanyang pamilya.  Masaya rin ito sa kanyang career bilang isang concert director.  Ang bunso naman niyang kapatid na si Kiana ay masaya rin sa kanyang bagong simulang singing career at sa boyfriend nitong si Sam Concepcion.

May mga nagsasabi na hindi pa rin marahil nahahanap ni Gab ang gusto niya talagang gawin. Pero hindi na dapat nagdideklara pa si Gab na ayaw na niya sa showbiz dahil baka kainin din niya ang kanyang salita balang raw.

Samantala malalaman sa araw na ito ng linggo kung sino ang bagong celebrity ang malalaglag sa limang natitirang ICandidates sa I Can Do That.  Magpapaligsahan sina Gab, Sue Ramirez, Wacky Kiray, Cristine Reyes at Daniel Matsunaga para pumasok sa apat na grand fina­lists. 

Isa sa kanila ang matatanggal habang ang matitirang apat ay siya namang maglalaban-laban for the grand finals next weekend.

Richard magiging aktibo na uli

Co-managed na ng Viva Artists Agency (VAA) si Richard Gu­tierrez kaya malaki ang papel ng kumpanya sa pagkakaroon ng bagong project ng actor sa Star Cinema kung saan ito nakatakdang gumawa ng pelikula kasama sina Angel Locsin at Angelica Panga­niban.

Nang makita namin ang mom at manager ni Richard na si Annabelle Rama sa premiere night ng indie movie na Bubog sa Cinema 2 ng Fisher Mall, sinabi nito na may iba pang offers sa twin brother ni Raymond Gutierrez pero tinatanggihan nito. 

Naghintay lamang talaga si Richard ng isang magandang project kaya agad niyang tinanggap ang offer ng Star Cinema lalo pa’t reunion movie nila nito ni Angel at makakasama pa nila si Angelica na first time makakatrabaho ni Richard.

May lumulutang ding balita na baka mapasama si Richard sa bagong TV series nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang La Luna Sangre.

Naibalita rin sa amin ni Boss Vic del Rosario ng Viva na may gagawin ding movie si Richard sa Viva Films kasama ang kanyang lady love na si Sarah Lahbati.

Bubog ni Direk Arlyn ‘Di nagaya sa kapalaran ng Bliss!

R-18 ang nakuhang rating ng Bubog, ang controversial movie na dinirek ni Arlyn dela Cruz kung saan dapat kasama sa cast sina Baron Geisler at Ping Medina.  Pero dahil sa insidente ng ihian na ginawa ni Baron, parehong natanggal ang dalawang actor at sila’y pinalitan nina Allan Paule at Karl Medina, ang nakatatandang kapatid ni Ping Medina, mga anak ng mahusay na veteran actor na si Pen Medina.

Kapag R-18 ang rating ng isang pelikula, automatic na hindi ito mapapanood ng mas nakararaming kabataan at limitado lamang ang sinehan ang pagpapalabasan ng pelikula tulad sa nangyari sa pelikulang Bliss ni Iza Calzado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with