^

PSN Showbiz

Singer-actress matindi ang ilusyong magaling sa lahat ng bagay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi nakagaganda para sa isang young singer-actress ang mga kuwentong umiikot tungkol sa kanyang kamalditahan. Siguradong nakararating na sa mga namamahala sa kanyang career ang mga usap-usapan pero hanggang ngayon ay ganu’n pa rin ang attitude ng young female personality.

Maraming nahihirapang makipagtrabaho sa kanya, masyado raw pa-primadona ang young singer-actress, nagpaparamdam siya na napakagaling niya sa lahat ng bagay.

Kuwento ng isang source, “Parang may sariling mundo rin kasi ang babaeng ‘yun, e! Sayang, magaling pa naman siyang performer, marami siyang kinakabog talaga. Pero hindi maganda ang image niya sa mga co-stars niya!

“Kulang siya sa PR, hindi siya masyadong nakikisalamuha sa mga kasamahan niya, ihihiwalay niya ang sarili niya sa marami, kasi nga, feeling niya, e, magkakaiba na ang level nila.

“Ang pakiramdam ng girl, e, pinakamagaling at pinakasikat na siya sa kanilang lahat. Ayaw na niyang ikinukumpara siya sa mga ka-contemporary niya, dahil may napatunayan na raw siya sa concert scene.

“Ha? Concert? Tama, pero anyare sa show niya? Di ba, mga mismong kasama sa production ang nagpapatunay na hindi masimulan ang show niya dahil puro bakante ang mga upuan sa kakontian ng audience?

“May mga charot pa silang issue na kesyo nagkaproblema sa banda at sa technical rider ng show, pero ang totoo, e, nag-ipon pa sila ng manonood na puro libre lang ang tickets!

“Magtigil nga siya! Magmaldita siya kung kayang-kaya na niyang mapuno ang malalaking concert venue! Pero kung wala pa naman siyang proof na ibang-iba na ang level niya sa mga kasamahan niya, e, magtigil siya! Manalamin siya!

“Makapritso pala ang babaeng ‘yun! Kahit sa promo ng show niya sa mga malls, nagpapalutang siya ng kamalditahan. Late na siyang dumarating, pero ang gusto niya, e, siya ang mauunang isalang dahil meron pa raw siyang mga susunod na commitments!

“Hooooooooy!!!! Magtigil siya, hindi nga umuusad-usad ang career niya, ‘no! Magsama sila ng boyfriend niya na palaging nakabantay sa kanya kahit saan dahil wala ring career na pinagkakaabalahan!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Bea nilalamon ni Iza sa aktingan, Ian ginagawang ulam ng kababaihan

Sa pakikipagkuwentuhan namin sa mga kaibigang tutok na tutok sa serye nina Bea Alonzo at Ian Veneracion ay kapansin-pansin ang sobrang paghanga ng tropa kay Iza Calzado.

Kumokontrabida pa nga ang role ng aktres sa serye bilang asawa ni Ian na nang-iwan sa kanilang mag-aama, pero lumulutang ang kahusayan ni Iza, masakit man pero kailangang tanggapin ni Bea Alonzo ang mga reaksiyon na kailangan pa nitong magdagdag ng effort para mapantayan ang galing sa pag-arte ni Iza.

“Pinag-iiwanan siya ni Iza, lamon na lamon siya. Sa mga mata pa lang ni Iza, e, walang-wala na ang nakakahong acting ni Bea!” komento ng isa sa umpukan.

At kabisado ng mga ito ang eksena, hindi sila naliligaw, under-acting daw ang atake ni Iza sa mga komprontasyon nila ni Bea.

“Hindi naman kasi kailangang palaging sumisigaw ang artista kapag sumasalang siya sa confrontation scene, e. Si Iza ang best example sa ganu’n. Parang pigil na pigil ang boses niya, pero naman!

“Nangangain ang mga tingin niya! Kapag magkaeksena nga sila ni Bea, e, makikita mo na marami pang dapat matutuhan si Bea. Pinapaboran siya ng mga camera dahil maganda siya, pero sa acting, e, magmamano siya kay Iza dahil kinakain siya nang walang ka-effort-effort!

“At napakaganda rin ni Iza, ha? Naghahabulan lang ang ganda nila. Nakakaloka naman kasi si Iza Calzado. Kahit sino yata ang makaeksena niya, e, nawawala sa kuwadro dahil nilalamon niya!” komento naman ng isa pa sa umpukan.

Isa lang ang ibig sabihin nito, sinusubaybayan ng grupo ang A Love To Last, tulad din ng ibang mga nakakausap namin na sobrang kinikilig naman kay Ian Veneracion.

“Tingin pa lang ni Ian, ulam na,” paglalarawan ng isang kaibigan naming beki. Kung kailan daw nagkedad ang guwapong aktor ay saka pa namayagpag ang kanyang career.

Pana-panahon lang talaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with