^

PSN Showbiz

Kathryn may pwesto na sa mall!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nagsimula nang mag-shoot sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman ng pelikula nilang Deadma Walking.

Nangako na ang dalawa na ito na ang huling gay role na gagampanan nila. Sabi ng manager nilang si Noel Ferrer: “Moratorium na ‘to na tigil na muna sa gay movie. Baka isang ihip na lang, baka matuluyan na eh.”

Hindi na raw nila mabilang kung ilang beses na silang gumaganap na bading sa pelikula at TV, pero iba raw ang pelikulang ito at gustung-gusto nila ang project.

Nagpasalamat nga si Joross kina Dingdong Dantes at John Lloyd Cruz dahil sa kanila raw ito unang inalok at nagustuhan daw nila. Hindi lang sumakto sa kanilang schedule kaya hindi sila natuloy.

PAK: Ngayong araw na ang grand opening ng Kathnails Salon ni Kathryn Bernardo sa may SM The Block.

Hindi naman daw gumagaya si Kathryn kina Liza Soberano at Nadine Lustre na meron nang nail spa at salon na naipundar.

Matagal na palang naplano ito ni Kathryn sa tulong ng Mommy niya, kaya lang ngayon lang sila nakakuha ng magandang puwesto sa SM North EDSA.

Si Daniel Padilla siyempre ang isa sa mga special guests na inimbitahan ni Kathryn.

All-out ang support ng Kathniel fans sa bagong negosyo ni Kathryn.

BOOM: Si Alessandra de Rossi ang isa sa mga artistang unang nagpahayag nang pakikiramay sa namayapang premyadong direktor na si direk Gil Portes.

Kaagad niyang ipinost ang poster ng pelikula niyang Munting Tinig o Small Voices na dinirek ni direk Gil. “Salamat” ang inilagay niyang caption. Nag-comment din sa post na iyun si Assunta de Rossi na nagpahayag ng pakikiramay.

As of presstime, wala pang na-announce kung saan ibuburol ang mga labi ni direk Gil.

Wala pa rito ang kanyang pamilya na padating pa lang galing Amerika. Isa sa nag-aasikaso ay si Direk Joel Lamangan. Kahapon lang nila kinuha si Direk Gil sa morgue ng East Avenue Hospital, pero wala pa raw silang napagdesisyunan kung saan siya ibuburol dahil hinihintay nila ang desisyon ng pamilya.

Hindi pa alam ang tunay na dahilan nang pagpanaw ni direk Gil dahil hindi pa ito ipina-autopsy,

Mag-isa lang kasi si direk Gil sa tinitirhan niya, at patay na siyang natagpuan sa kanyang kuwarto.

Hinihintay na lang daw ang pamilya kung ipapa-autopsy nila ito para malaman ang dahilan nang pagkamatay.

Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni direk Gil Portes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with