^

PSN Showbiz

Direk Gil maraming alaala!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Just more than a week ago ay masaya naming nakakuwentuhan si Direk Gil Portes sa ipinatawag na presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa isang function room ng MMDA office in Makati kung saan ay meron umano siyang isinumiting entry na pinamagatang Mindanao. As always, Direk Gil was in his jolly self.

Naging guest din siya sa aming Inside Showbiz radio program ni Shalala on DZRJ ng 8 TriMedia one Sunday afternoon.

Si Direk Gil ay binawian ng buhay last Wednesday, May 24 sa edad na 71.  Parating sa bansa from New York City, USA (kung saan naka-base si Direk Gil at ang kanyang pamilya) ang misis niyang si Telly at mga anak na sina Carlo at Justin para asikasuhin ang wake at libing ng namayapang award-winning director.

Si Direk Gil ay nagtapos ng Journalism sa University of Sto. Tomas. Nakakuha rin siya ng scholarship grand sa City University of New York kung saan siya nag-aral ng film and movie production.  Sampung buwan din siyang nag-training sa British Broadcasting Corporation o BBC sa London. He was 23 nang siya’y magtrabo bilang production assistant sa ABS-CBN kung saan din siya nabigyan ng break na maging producer at director ng programa.

Nakapagtrabaho rin siya bilang copywriter sa ilang kilalang advertising companies at nagdirek ng kanyang unang pelikula in 1976 sa pamamagitan ng Tiket Mama! Ticket Ale! Sa Linggo na ang Bola.  Tatlo sa kanyang mga idinirek ng pelikula ang naging official entry ng Pilipinas sa Foreign Language category ng Academy Awards sa Amerika, ang Saranggola, Gatas sa Dibdib ng Kaaway, at Mga Munting Tinig. Naidirek din niya ang marami sa movie icons ng bansa tulad nina Dolphy (Markova: Comfort Gay), Nora Aunor (Merika at Andrea: Paano Ba ang Maging Isang Ina) at Vilma Santos (Miss X).

Ang dalawang huling pelikulang idinirek ni Direk Gil ay ang Hapis at Hinagpis ni Hermano Pule na pinagbidahan ni Aljur Abrenica nu’ng isang taon  at ang Moonlight Over Baler na pinangunahan naman ng nakababatang kapatid ni Aljur na si Vin Abrenica at ipinalabas early this year.

Alden at Maine babu na!

Sa araw na ito ang final episode ng Destined to be Yours, ang kauna-u­nahang TV series sa GMA nina Alden Richards at Maine Mendoza na silang dalawa mismo ang pangunahing bida.

Maraming tagasubaybay ng phenomenal loveteam ang nalungkot dahil hindi man lamang umabot ng apat na buwan ang serye na inaasahan pa naman ng marami na ito’y aabot ng anim na buwan hanggang isang taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with