^

PSN Showbiz

Lingkod Kapamilya, libu-libong bag ang ipamimigay sa pasukan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang 100,000 na mag-aaral mula Luzon hanggang Mindanao ang mabibigyan ng bag at mga gamit pang-eskwela sa proyektong Gusto Kong Mag-Aral ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya – Operation Sagip katuwang ang iba pang Pilipinong nagnanais tumulong sa mga estudyante ngayong pasukan.

Ayon kay ABS-CBN Lingkod Kapamilya-Operation Sagip director Jun Dungo, layunin ng proyekto ang matulungan ang mga mag-aaral sa elementarya sa buong Pilipinas, lalo na sa mga lugar na laganap ang kahirapan at madalas tamaan ng mga kalamidad.

“Hindi natatapos sa pagsagip at pagdala ng relief goods ang malasakit ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya sa ating mga kababayan. Isa ang proyektong ito sa ating mga pamamaraan upang matulungang makabangon at magkaroon ng magandang kinabukasan ang ating mga kabataan, lalo na ‘yung mga gusto talagang mag-aral. Kami ay lubos na nagpapasalamat sa walang sawang tumutulong para sa kabutihan ng ating mga mamamayan” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 1,300 batang estyudyante na ang nabigyan ng mga bagong gamit pang-eskwela sa Hermosa Elementary School at Orani North Elementary School sa Bataan.

Samantala, patuloy ang pamimigay ng mga bag sa Catanduanes, Pampanga, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Cagayan de Oro, Bukidnon, Compostela Valley, Nueva Ecija, Isabela, Nueva Vizcaya, Kalinga, Bulacan, Quirino, Ilocos Norte, Benguet, Aurora, Zambales, Batangas, Mindoro, Laguna, Quezon, Pangasinan, Iloilo, Antique, Capiz, Aklan, Bohol, Cebu, Samar, Leyte, Lanao del Norte, at Zamboanga del Norte.

Isa na sa mga unang nabiyayaan ng Gusto Kong Mag-Aral project si Nadnad, na inspirasyon ang kanyang mga magulang na isang labandera at isang janitor sa kanyang pagsisikap mag-aral.

Si RJ naman, na nasa Grade 1 na sa Orani North Elementary School, nagre-recycle ng mga lumang notebook para magamit sa darating na pa­sukan. Kwento ng kanyang ina, hirap sila sa pang-gastos dahil limang buwan nang nagda–dialysis ang tatay ni RJ. Gayunpaman, desidido raw ang anak na maging doktor.

Ang mga kabataang tulad ni Nadnad at RJ ang patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa mga tao sa likod ng proyektong Gusto Kong Mag-aral. Sila ang mga nagpapaalala na manatiling may pag-asa at may pangarap anuman ang antas sa buhay.

Panoorin ang iba pang kwento ng malasakit at kabutihan ng mga Pilipino sa TV Patrol, Lunes hangang Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Mahigit anim na dekada nang naglilingkod ang ABS-CBN sa mga Pilipino sa buong mundo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with