^

PSN Showbiz

Ate Vi napabilib sa pag-aalaga ni Jessy kay Luis

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marami na naman ang siguradong magagalit, mananaghili, at mapipikon kay Jessy Mendiola sa mga magagandang sinabi ni Cong. Vilma Santos nang mag-guest ito sa radio program ng katotong movie writer at columnist din na si Aster Amoyo.

Inulit ng ina ni Luis Manzano ang pagkagiliw niya sa manugang na hilaw.

Appreciated niya ang magandang impluwensya nito sa kanyang anak, ang magandang pag-aalaga kay Luis at ang hindi pakikipagkumpitensya rito. “She’s natural, a very nice young lady,” pag-amin niya.

Samantala, hindi na kailangang sumailalim sa surgery ni Luis sa nabaling buto sa paa. Kailangan lamang na sementuhin ito at ipahinga ng tatlong linggo. Positibo si Cong. Vi na aalagaan ito ni Jessy at hindi pababayaan.

Daniel nagpipigil kay Arci dahil kay Gerald?

May kasunduan na hindi pwedeng magkaroon ng ligawan sa pagitan nina Daniel Matsunaga at Arci Muñoz. Sa kanyang interview ni Boy Abunda ay sinabi ng Brapanese hunk na pi­na­­pahalagahan niya ang napagkasunduan, na­katuon ang kanyang pansin sa trabaho at hindi sa pagkakaroon ng lovelife. At kahit ano’ng panunukso at pagtatambal ang gawin ng kapwa nila ‘I candidates’ sa I Can Do That ay dedma lamang ang dalawa, pero sumasakay naman din minsan.

Parehong galing sa failed relationship ang dalawa kaya tampulan sila ng pagbibiro.

Dalawang buwan makaraang sumang-ayon sa kasunduan ang dalawa, hanggang ngayon ay single pa rin sila. Nananatili silang friends na hindi mahirap gawin dahil natanggal na si Arci sa ICDT.

Madalas man silang ma­kitang lumalabas ay ne­ver silang dalawa lang, always in a group sila. Balita nga na napalitan na ni Daniel si E­rich Gonzales, pero single pa rin naman ito. O baka naman hi­nihintay lamang niya na lumipas ang six months na ‘pagbabawal’ sa kanila ni Arci bago siya umarangkada?

O baka naman hindi lang puwede dahil magpo-promote pa ng pelikula si Arci na katam­bal si Gerald Anderson?

Anak nina Melai at Jason instant milyonarya

Kapag dumating talaga ang swerte ng isang tao ay walang makapipigil dito. Hindi si Melai Cantiveros na tila nasasanay nang mag-uwi ng P1 million. Walang nag-akala na dala-dala rin ng kanilang panga­nay ni Jason Francisco ang swerte nilang pamilya nang isali nila ito sa Bet On Your Baby na kasisimula pa lamang, pero nala­gasan agad na P1 million.

Worth it naman ang panalo ng bata dahil walang hindi natuwa sa kanyang antics, inclu­ding the show’s host, Judy Ann Santos. In all fairness to Melai marami ang na-cute-an sa anak niyang si Mela.

Tama lang na ang mag-ama niya ang pinaglaro niya. Bukod sa kabisado ni Jason ang bata ay ma­runong din itong sumugal. Nag-pay off ang pag-try nito na isugal ang hawak nilang P100,000 para makuha ang P1 million.

Pang ilang milyon na ba ito ni Melai? Mil­yon ang premyo niya nang manalo sa Pinoy Big Brother (PBB). May kasama rin itong house & lot na milyon din ang halaga. Ewan kung may isang milyon din, pero malaki rin ang naiuwi niya makaraang maglaro sa Deal or No Deal. Milyon din ang napanalunan niya  sa Your Face Sounds Familiar.

O ano, laban kayo?!

Marc huli sa pang-aabuso kay Janine!

Nakakagigil ang mga tagpo sa Legally Blind ng GMA! Kahit kasi huling-huli na si William (Marc Abaya) sa pang-aabusong ginawa niya kay Grace (Janine Gutierrez), patuloy pa rin itong gumagawa ng paraan para makalusot. He even influenced Charie (Lauren Young) at dahil dito, sobrang galit ang dalaga sa pamilya niya.

Nararamdaman ng mga manonood na nalalapit na ang final judgment ni William dahil wala namang katotohanang hindi lumalabas. Pero ang pinakahihintay nilang makita ay kung paano ito mangyayari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with