^

PSN Showbiz

Yassi umangat dahil kay Coco

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Yassi umangat dahil kay Coco

Yassi Pressman

Sa kagustuhang ma­pag­bigyan ang na­pa­ka­ra­ming kahilingan ng ma­no­nood na huwag pang tapusin ang matagumpay na seryeng FPJ’s Ang Pro­binsyano, gina­wan ito ng book 2 ng ABS-CBN. Mga bagong mukha ang makikita ng mga manoood na makakasama ng pulis na si Cardo (Coco Martin).

Wala pang resulta ang gagawing pagbomba ni Joaquin (Arjo Atayde) sa kasal nina Cardo at Al­yana (Yassi Pressman). Ang mga magiging casualty ang mapapalitan ng mga bagong artista.

Kasama sa mga bagong artista ng AP ay sina Pokwang, Lito Lapid, Mark Lapid, Jhong Hilario, Ejay Falcon, Sid Lucero, at Angel Aquino. Mamamalas pa rin ang mga batang pinalalaki ng mag-lolang Cardo at ng character ni Susan Roces. Pero malulungkot ang mga manoood kung isa man sa mga pulis na kasama ni Cardo ay mabawasan.

Ang sigurado ay may mga character na magbubuwis ang buhay para maisaksak ang napaka­raming bagong artista sa AP.

Maswerte naman si Yassi Pressman dahil ilulunsad na siya ng Viva Films sa solo stardom. Kung mangangahulugan ito ng pagkawala niya sa programa ang siya pa marahil na tinatantya ng ABS-CBN. Pero ang pa­giging bida sa AP ang nagbukas ng pinto para sa kanyang ibayong pagsikat.

Jason at Vickie nagkakalabuan na

Hindi man makaapekto sa karera ni Jason Abalos ang reklamo sa kanya ng isang babaeng mag-aaral ng De La Salle University ay siguradong magbibigay ito ng hindi magandang resulta sa relasyon niya sa kanyang nobya na dating housemate ng PBB na si Vickie Rushton. I’m sure may mga epekto na sa kanilang dalawa ang naging kaganapan pero dito rin masusubok kung gaano katatag ang relasyon nila.

Tama lang na huwag munang mag­­sa­lita ang aktor at hintayin ang ma­gi­­ging hakbang ng nagre­reklamo sa kan­ya. Kung sakali mang umabot sila sa korte, dun na lang niya sabihin ang pa­nig niya sa kontrobersya. Pero sa naging pangyayari, pareho silang maa­apektuhan ng hindi maganda ng dala­gang nagreklamo sa kanya.

Robin kinampihan din si Mocha

Uy, nakakita ng kakampi si Mocha Uson kay Robin Padilla na ipinagtanggol ang pagkakatalaga sa kanya ni President Rody Duterte bilang Asst. Sec. ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Kung sabagay ay may katwiran naman si Robin sa pagsa­sabing minamaliit lang ng mga naiinggit kay Mocha ang kakayahan nito dahil sexy performer siya dati. Sinabi rin ng aktor na isa ring appointee ng bagong administrasyon na hin­di sila basta-basta hinihirang sa kanilang mga posisyon dahil pinag-iisipan ‘yun ng pa­ngulo. Ipagtatanggol niya sa abot ng kanyang kakayahan si Mocha sa mga kritiko nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with