^

PSN Showbiz

Aktor nilayasan ang tamad na misis!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sobrang maginoo ang isang kilalang male personality kung ang tatanungin ay ang kanyang mga kaibigan at nakakasama sa trabaho. Nang magsabog daw ng pagiging maginoo ang langit ay nagbukas ng bubong ang aktor para makasambot nang sobra-sobra.

Puring-puri ng mga ito ang aktor lalo na nu’ng nagsasama pa sila ng isang pamosong aktres, talaga raw ang lalaki ang nag-aasikaso sa lahat-lahat sa kanilang bahay, dahil may katamaran ang kanyang misis.

Siya ang nagluluto, ang nag-aasikaso sa kanilang mga anak, salamat nga raw at may washing machine na dahil kung hindi ay makikita ang labanderong aktor ng kanilang mga kapitbahay.

“Dumarating siya sa set na haggard na haggard. Du’n na lang siya nag-aayos ng sarili niya, kasi nga, siya pa rin ang nagda-drive papunta sa location.

“Kung minsan, lukut-lukot pa ang mga polo niya, mabuti na lang at may wardrobe department ang production, naipapaplantsa niya ‘yun, talagang kulang sa pag-aasikaso sa kanya ang wife niya.

“Bago siya mag-report sa trabaho, nakapagluto na siya ng kakainin ng mag-iina niya, malinis na rin ang bahay, napakaareglado ng taong ‘yun!” sabi ng isang nakakatrabaho ng aktor.

Pagkatapos ng kanyang shooting o taping ay hindi na siya nakikipagkuwentuhan sa mga kapwa niya artista, umaalis na agad siya sa set, dahil kung hindi siya maggo-grocery ay mamamalengke pa siya.

“Napakabait ni ____(pangalan ng kilalang male personality), kahit minsan, wala kang maririnig na kahit anong reklamo sa kanya. Hindi niya ipinagbabanduhan ang katamaran ng wife niya.

“Pero siyempre, lahat naman ng pasensiya, e, may hangganan. Hindi naman puwedeng palagi na lang ganu’n ang buhay niya, para na siyang Andres de saya kapag ganu’n.

“Hindi na nakapagtataka kung nagdesisyon na siyang umalis, wala naman kasing nangyayari sa buhay nila ng girl, hindi natututo ang misis niya. Tamad pa rin, walang alam gawin, napakabagal pa niyang kumilos.

“May bago nang karelasyon ang male personality, king na king siya sa poder ng girl na napakamaalaga, nu’n lang siya nakatikim ng ganu’ng pag-aasikaso dahil galing siya sa isang tamad na misis,” kuwento ng aming source na nakataas ang kilay sa tenth floor.

Ubos!

Estudyanteng hinarass daw ni Jason Abalos, may hawak na mga ebidensiya 

Nakagugulat para sa amin ang mga rebelasyon ng isang estudyante laban kay Jason Abalos. Napakalayo ng pagkakalarawan sa kanya ng babae sa pagkakilala namin sa aktor.

Matagal naming nakasama si Jason sa maraming pagkakataon, pero sa loob nang mahabang panahong ‘yun ay hindi namin siya kinakitaan ng pambabastos sa kanyang kapwa, lalo na sa mga babae.

Ayon sa La Sallista ay meron daw itong mga hawak na ebidensiyang magpapatunay kung paano ito binastos ni Jason. Hina-harass daw ito noon ng aktor, niyayayang makipag-sex, may mga naging pag-uusap daw sila na naitago ng babae.                 

Ang nakalulungkot sa ganu’ng akusasyon ay may girlfriend si Jason. Natural lang na maapektuhan ang babae sa mga rebelasyon ng estudyante, kaya ang balita ngayon ay iwas na iwas nang makipagkita sa kanya ang girlfriend niyang beauty queen, apektado na ang kanilang relasyon.

Hanggang ngayon, sa kabila ng paglalantad ng babae sa social media tungkol sa mga akusasyon laban sa kanya ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Jason Abalos. Naguguluhan tuloy ang mga kaibigan at tagasuporta niya kung may katotohanan ba ang mga ibinibintang sa kanya.

Ayon sa estudyante ay hindi raw nito alam na magiging malaking issue pala ang ipinost nito sa social media. Kasi raw ay hindi naman sikat na artista si Jason. Pero laking-gulat ng babae nang uminit ang usapin.

Malaki o maliit na personalidad man ang sangkot sa kontrobersiya ay siguradong mapagpipistahan ‘yun. Hindi dinadaan sa laki at liit ng pangalan ang pagtanggap ng netizens sa mga lumalabas na kuwento sa social media.

Saka kilalang artista si Jason Abalos. Hindi siya ang tipong tinitilian na parang heartthrob pero kung pag-arte ang pag-uusapan ay nakatanggap na siya ng mga parangal.

Meron na siyang napatunayan bilang aktor.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with