PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Robin inisnab ang baby shower ni Kylie ;Arci parang starlet uli ang status

SEEN: Tatay na tatay na ang hitsura ni Aljur Abrenica sa baby shower para sa magiging anak nila ni Kylie Padilla. Ang Aruga ng Rockwell ang venue ng baby shower.

SCENE: Ang step mother ni Kylie na si Mariel Rodriguez ang nag-organize ng baby shower na dinaluhan ng mga dating kasamahan ng aktres sa Encantadia at ng mga kaibigan niya.

SEEN: Wala si Robin Padilla sa baby shower ni Kylie kaya muling naungkat ang isyu na may differences pa rin sila ni Aljur.

SCENE:  Dapat nang tigilan ni Arci Muñoz ang paggamit ng dark lipsticks dahil bumabalik siya sa pagiging starlet.

SEEN: Mapapanood si John Arcilla sa Book 2 ng Ang Probinsyano. Dumalo si John sa story conference ng Ang Probinsyano noong Huwebes, ang huling araw ng taping ng Encantadia na kalaban na programa ng aksyonserye ni Coco Martin.

SCENE: Walang exclusive contract si John Arcilla sa GMA 7 kaya naging madali sa kanya na tanggapin ang alok ng ABS-CBN.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SEEN: Hindi dumalo si Rhian Ramos sa press conference ng My Love from the Star ng GMA 7 noong Huwebes. Si Rhian ang kontrabida ni Jennylyn Mercado sa My Love from the Star.

SCENE: Si Maricris Garcia ang kumanta ng My Destiny, ang theme song ng local adaptation ng My Love from the Star.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: