^

Banat Showbiz

Karong sabado na can’t Help Falling In Love!

Sanden Jacaban Anadia - Banat

CEBU, Philippines - Nanamilit na sa  pabebe stage ang sikat nga magka-loveteam nga sila si Kathryn Bernardo ug Daniel Padilla  ug kini mahukman sa kadaghanan pinaagi sa pelikulang ‘Can’t Help Falling in Love’ nga mulugwa na sa mga sinehan lukop nasud karong umaabot Black Saturday, April 15.

Ubos kini sa direksyon ni Mar Cruz Alviar ug sinulat ni Carmi Raymundo. Naghisgot kini sa kinabuhi ni Gab (Kathryn) kinsa engaged na sa iyang boyfriend apan duna’y wala damha nga panghitabo human nasuta niini nga kasal na diay siya sa lalaki nga si Dos (Daniel).

Nalakip usab sa ‘Can’t Help Falling in Love’ sila si  Cheery Pie Picache, Lito Pimentel, Lotlot de Leon, Dennis Padilla, Jorros Gamboa, Janus del Prado, Kristine Fulgar, Pinky Amador, Johnny Revilla, Hannah Ledesma, Devon Seron, Chienna Filomeno, Earl Ignacio, Nina Dolino, Belle Mariano, ug Clarence Delgado.

Ang tandem sa duha gitawag sa ilang mga fans og Kathniel ug namugna pinaagi sa ilang panagpares sa malampuson kaayo nila nga mga proyekto sa ABS-CBN.

Gikagubtan sa mga tawo sa dihang nitikang dinhi sa Sugbo sila si Kathryn ug Daniel  sa miaging adlaw diha sa SM City-Cebu ug SM City Seaside, ug  nahinabi sila sa mga sakop Cebu Entertainment Group (E-Group) pinaagi sa usa ka presscon nga gipasiugdahan sa JSP Ads and Promo nga gidumala ni Josie Pereyra, sa wala pa nagsugod ang ilang show:

QandA

E-Group: Bakit ninyo nasabi na dream role ninyo ang mga karakter ninyo dito sa  ‘Can’t Help Falling in Love’.?

Kathryn:  Marami na tayong projects na pinagdaanan, yung mga cute roles pinagdaanan namin yan. Ayaw naman namin na babalik tayo dun, seguro oras na naman na maging mature tayo. Naging mature naman tayo sa Pangako Sa Yo noon, at dito maranasan natin, sa pelikula na talaga.

Daniel: Kumbaga, iba talaga ang ginawa namin sa proyektong ito. Mag-asawa ang pino-portray namin.Hindi ko masasabi lahat kasi dapat panoorin ninyo ang pelikula, segurado ako na maging masaya kayo sa ‘Can’t Help Falling in Love’.

E-Group: Anong mga eksena na masasabi natin na nag-mamature na kayo sa proyektong ito?

Kathryn: Marami siya, nabanggit sa iilang eksena namin yung  annulment, dun pa lang, masasabi natin na malalim yung mga bagay na  ipapakita namin dito. Ibang atake,  pero romcom pa din siya  pero may mga mabibigat na eksena.

Daniel: Kasal kami dito, meron kaming eksena  hindi namin nagawa noon.  Seguro yun ang dapat abangan ng mga manonood dito. Nakakatuwa ang pelikulang ito kasi ibang Kathniel ang makikita nila, at salamat sa mga taong nasa likod nito dahil ginagabayan talaga nila kami.

E-Group: Anong lugar sa Cebu na pinupuntahan ninyo para sa pelikulang ito?

Kathryn: Nakapunta na kami sa Cebu sa pelikula namin noon na Must Be Love, pero dito sa Can’t Help Falling in Love’, mas maraming lugar ang pinupuntahan namin.  Kasi yung karakter ni Dos dito ay may-ari ng travel agency, kaya kung mapapansin ninyo, ibat-ibang lugar sa Cebu ang ipinapakita namin dito.  Pinupuntahan namin yung  Argao,  Osmeña Peak,  Camotes at marami pang iba.

Daniel: Sobrang dami, kaya sobrang saya namin lalo na si Kath, dahil gusto talaga niya ang mga beach.

E-Group: Anong lugar sa Cebu na nagustohan ninyo?

Kathryn: Lahat naman na pinupuntahan namin ay mga magaganda, isa sa hindi namin malilimutan ay yung simbahan, (Boljoon), na malapit sa dagat, sobrang ganda talaga. Iba yung place, sobrang tahimik, at sobrang ganda ng view.

Daniel: Katulad din kay Kath, nagustohan ko yung simbahan.

E-Group: Gaano ka close yung Cebu sa inyo, ano ang hindi ninyo malilimutan kung babanggitin ang lugar na ito?

Kathryn: Palagi akong mae-excite sa tuwing may schedule kami dito, tulad ng  mga mall show. Kasi sobrang init ang suporta ng mga Cebuano kung pupunta kami dito.   Magaganda yung mga beaches, at siyempre inaabangan ko ang mga masasarap na pagkain dito. One week kami nag-stay dito noong ginawa namin ang Can’t Help Falling in Love’.   Seguro babalik kami dito, yung magbabakasyon talaga .

Daniel: Sobrang relaxing talaga ang Cebu , grabe  yung suporta na natanggap namin sa mga Cebuano.  Noong mga mall show namin noon, nakikita namin kung gaano karami ang mga tao.  Mababait ang mga Cebuano kaya hindi kami magsasawa sa pagpunta dito.  Segurado ako na babalik kami dito para magbakasyon, yung walang trabaho kasi maraming magagandang resorts dito.

E-Group: Anong lessons na makukuha sa viewers pagkatapos panoorin ang pelikulang Can’t Help Falling in Love’?

Kathryn: Nagta-tackle siya tungkol sa family, marriage at ibang mahalagang bagay. Isang leksyon na makukuha natin ay hindi lahat ng bagay ang kontrolado mo. Ang importante, kung saan ka masaya, yan ang pipiliin mo.  Sa isang relasyon, hindi sinusukat kung gaano kayo katagal para masasabi na natin na kayo na talaga ang magkatuluyan.  May mga pangyayari na hindi natin maasahan na darating sa buhay natin.  Isipin nating mabuti, kung masaya ba tayo dito o hindi, piliin mo yung bagay  kung saan ka maging masaya.

Daniel: Sa pagpili ng desisyon, dapat pinag-iisipan ng mabuti. May mga bagay na hindi natin inaasahan,kung saan sa tingin  mo na makabubuti sayo at  sa mga taong mahal mo, yan ang pipiliin mo.

E-Group: Mag-asawa ang role   ninyo dito, pagkatapos ninyo ginawa ang pelikulang ito, ano na naging views ninyo tungkol sa marriage?

Kathryn: Pinaghandaan talaga ito, magdesisyon sa bagay na dapat hindi pinagsisihan. May mga desisyon na dapat magtulungan. Sobrang malawak kung pag-usapan ang marriage, dapat seguraduhin mo na ang makasama mo  ay ang taong totoong minamahal mo.

Daniel: Hindi naman nakakatakot ang marriage, dapat sineseguro mo na ang tamang tao ang makasama mo habang buhay.  Ito ang bagay na pinag-isipan ng malalim.

E-Group:  May mga popular love teams  na katulad na ninyo ang nakakaranas ng mga negative issue lalo na sa social media, ano ang masasabi ninyo dito?

Kathryn: Yan ang mahirap sa showbiz, maraming mata ang tumitingin sa inyo. Hindi naman natin sila masisi dahil pinasokan naman natin ang buhay na ito . Ang importante lang na hindi ka magpapaapekto.Gumawa lang tayo ng tama, at matuto tayong makinig sa mga gabay galing sa mga importanteng tao.

Daniel: Careful lang po tayo sa mga sinasabi natin, kasi  ibat-ibang grupo ang supporters natin, may mga bata,   kaya sineseguro natin na hindi tayo maka-offend sa mga tao.  Gagawin lang natin ang trabaho natin, meron tayong goal sa ginagawa natin, at ang importante na wala tayong tinapakan na tao.

 

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with