^

Probinsiya

Bunso grinipuhan ni kuya

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Napatay ang 18-anyos na tinedyer matapos itong saksakin ng kanyang nakatatandang kapatid dahil lamang sa pakikipagtalo sa hipag kamakalawa ng gabi sa Sitio Burol, Barangay Tinamnan sa bayan ng Lucban, Quezon.? Nagtamo ng mga saksak sa dibdib at braso ang biktimang si JR Calisura habang naaresto naman ang suspek na si Marlon Calisura, 23, may asawa, ng nasabing barangay. Nabatid na lango sa alak na umuwi ang suspek kung saan inabutan nitong nakikipagtalo ang biktima sa asawa.? Kinompronta ng suspek ang kapatid hanggang sa mauwi sa suntukan kung saan nakisali na rin ang isa pa nilang kapatid na si Michael. Gayunman, umalis ang suspek at tinungo ang kusina at nang bumalik na may patalim ay inundayan ng saksak ang bunsong utol.

vuukle comment

JR CALISURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with