^

PSN Showbiz

Christmas Station ID ng Kapamilya pumalo sa 2-M views

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang buwan makalipas ang premiere nito, lagpas dalawang mil­yong views na sa YouTube ang Christmas station ID ng ABS-CBN na Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko.

Tampok ang top executives, artists, journalists, at loveteams ng Kapamilya Network, ibinibida sa music video ang mga nakaka-inspire na kuwento ng mga Pilipino na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay ay nananatiling matatag at nagkakaisa dahil sa kanilang pagmamahal sa pamilya at tiwala sa Diyos.

Kasama rito ang isang Grade 3 na estudyanteng naglalakad ng pitong kilometro papasok ng paaralan, isang swimming instructor na lumalaban sa kabila ng kapansanan, isang security guard na na­ging abogado, ang mga Typhoon Yolanda survivors, mga ka­bataang iskolar, mga dating delinkwente na ngayo’y mga volunteer na, at ang 2016 Olympic Silver Medalist Hidilyn Diaz.

Ibinahagi nila ang kanilang mga kuwento sa ilang ABS-CBN personalities tulad nina ABS-CBN chief content officer, executive adviser to the chairman, and ABS-CBN University president Charo Santos-Concio, Vice Ganda, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Angel Locsin, Ted Failon, Bernadette Sembrano, Noli De Castro, mga Kapamilya loveteams tulad ng KathNiel, JaDine, at LizQuen, pati ang ibang artista mula sa iba’t ibang Kapamilya shows.

Noong Nobyembre 7 unang nasilayan ang Station ID, na inilunsad sa iba’t ibang parte ng Pilipinas kabilang ang Manila, Baguio, Tacloban, at Cagayan De Oro. Bago ito, unang ipinalabas ang recording video tampok ang The Voice Kids Philippines coaches Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo, at Sharon Cuneta kasama ang The Voice Kids finalists, na ngayon ay may higit 3 million views na rin sa YouTube.

Isinulat ang kanta ng ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) head na si Robert Labayen at Lloyd Oliver Corpuz, at nilapatan ng musika nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana. Tulad ng mga nakaraang ABS-CBN SIDs, pinamunuan muli ni Labayen ang video kasama sina Johnny Delos Santos, Patrick de Leon, ang director na si Paolo Ramos, at second unit director Peewee Azarcon Gonzales, at ang mga kasama nila sa CCM.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with