^

PSN Showbiz

Mga anak hindi na nakakausap Nora hindi maka-relate sa sariling pelikula

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Mga anak hindi na nakakausap Nora hindi maka-relate sa sariling pelikula

Nora

Para sa docu-film Kiko inaming palabas lang ang riot nila ni Baron!

PIK: Ayaw muna ni Luis Alandy  na sabihin kung saan gaganapin ang kasal nila ng non-showbiz girlfriend niyang si Joselle Fernandez ng San Miguel.

Naikuwento sa amin ng aktor sa presscon ng Die Beautiful na medyo nakaka-stress lang daw ang preparation lalo na sa mga unexpected expenses na kailangan bayaran.

“Nakaka-stress lang financially,” natatawa niyang pahayag.

“Marami kasing on the side na kailangang bayaran at nagkakaroon, na hindi natin maiwasan. Hindi naman kami showbiz na nag-sponsor lahat eh,” sabi pa nito.

Pangako ni Luis sa sarili, kapag may baby na raw sila ay malamang na titigil na siya sa paghuhubad sa pelikula.

Suportado naman daw ng asawa niya ang lahat na mga project niya, pero siya na rin mismo ang nag-decide na wala nang hubaran kapag may baby na sila.

Pag nagkaroon na siguro ng anak, dun na sigu­ro ako mag-iisip na ang mga project na gagawin ko ‘yung ikaka-proud ng magiging anak namin. Saka ilang taon na siguro ako nun, hindi na ako siguro ako kanasa-nasa ‘yun,” sabi pa ng aktor sa pelikulang Die Beautiful.

PAK: Inamin na ni Kiko Matos na palabas lang ang away nila noon ni Baron Geisler para sa documentary film na ginagawa nilang Project Beastmode.

Bago pa niya inamin ito sa panayam namin sa kanya sa presscon ng pelikula nilang Kabisera na entry sa Metro Manila Film Festival, inilabas na ito ng isang magazine at okay lang daw iyon.

Inamin niyang lahat na iyon ay staged, pero pagdating daw sa away nila na ginawa ng URCC o Universal Reality Combat Championship na ginanap sa Valkyrie nung June, totoo na raw iyun.

Napagkasunduan daw nila ni Baron na gawin nang makatotohanan at huwag nang i-choreograph.

Ani Kiko, “Supposedly Baron and I were thinking if we could choreograph the fight, pero we decided not to choreograph.

“Kung yung ibang tao, iniisip nila na hindi kami nagbasagan ng mukha, first of all, hindi naman kami fighters talaga. Lumaban kami hanggang sa nawalan kami ng hininga,” saad pa nito.

Pero itong isyu kina Ping Medina at Baron, totoo raw iyon at hindi raw iyun bahagi ng Project Beastmode nila.

BOOM: Ang lakas ng dating ng linyang binitawan ni Nora Aunor sa pelikulang Kabisera na “Kahit anong mangyari, sama sama pa rin tayong pamilya.”

Hindi namin alam kung naka-relate si Ate Guy sa pelikula niyang Kabisera, gayung may isyu pa rin siya sa kanyang mga anak.

Hindi na lang dinetalye ng Superstar kung ano ang isyu niya sa mga anak. Sabi lang niya, alam naman daw ng lahat ang kuwento ng buhay niya dahil open book naman ito.

Pero nagbitaw ito ng pahayag na sana maalala raw siya ng kanyang mga anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with