^

PSN Showbiz

Parada ng Mano Po, aarangkada!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Parada ng Mano Po, aarangkada!

Richard

Para sa nagtatanong, 5:00 pm ang umpisa bukas ng Parade of Stars ng cast ng Mano Po 7: Chinoy sa SM Megamall.

At dahil Biyernes, pinapayuhan ang mga nagbabalak na manood ng parada na agahan ang punta sa SM Megamall para hindi kayo maipit sa trapik.

Ka-join sa parada ng Mano Po 7 stars sina Richard Yap, Jean Garcia, Janella Salvador, Enchong Dee, Jake Cuenca, Marlo Mortel at Jessy Mendiola.

Magiging busy bukas ang production staff ng Regal Entertainment Inc. dahil pagkatapos ng parada, ang red carpet premiere ng Mano Po 7 ang ganap sa SM Megamall Cinema.

Dadalo rin sa red carpet premiere ng Mano Po 7 ang lahat ng mga artista at ang invited guests.

Relasyon nina Jean at Jomari walang masama

I’m sure, si Jean Garcia ang pagkakaguluhan ng mga reporter sa Mano Po 7 event dahil sa lumabas na holding hands pictures nila ni Jomari Yllana.

May mga nagulat nang ma-sight nila ang mga litrato dahil tahimik na tahimik ang dalawa. Walang nakakaalam na may relasyon sina Jean at Jomari kaya news ang sighting sa kanila na hindi naman isyu dahil mga single sila kaya may karapatan na maging maligaya ang love life nila.

Mark kinabahan kay Anderson

Kinaiinggitan si Mark Bautista dahil na-meet niya nang personal ang sikat na broadcast journalist na si Anderson Cooper na bumisita sa bansa natin noong 2013, pagkatapos hagupitin ni Typhoon Yolanda ang Tacloban.

Wondering ang fans kung ano ang mga ibinigay na payo ni Papa Anderson kay Mark na proud at happy sa pagkikita nila ng multi-awarded broadcast journalist na pantasya ng bayan kahit gay. Lalong dumami ang tagahanga ni Papa Anderson nang aminin nito sa publiko ang tunay na sexual preference kaya naman mataas na mataas din ang respeto ni Mark sa kanya.

Gen. Bato no show sa meet-the-press

Hay naku, excited ako na pumunta kahapon sa Kamuning Bakery dahil sa imbitasyon ni Wilson Lee Flores para sa meet-the-press ni PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Alas-onse ng umaga ang event kaya maaga ako na umalis ng bahay para magkita na kami nang personal ng aking favorite PNP Director.

Ang ending, no-show si Papa Bato dahil ipinatawag siya ni President Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace.

Déjà vu ang feeling ko dahil ganito rin ang eksena nang hindi umapir si Manila City Mayor Joseph Estrada sa Kamuning Bakery para sa presscon noon ni Wilson para sa kanya.

Pero hindi ako nawawalan ng hope na matutuloy pa rin ang presscon ni Papa Bato sa sikat na bakery ni Wilson.

Kahit hindi dumating si Papa Bato, inasikaso ni Wilson ang mga miyembro ng media na nagpunta sa Kamuning Bakery para sa aborted presscon ng lovable PNP Director.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with