Joshua type ang pagiging jologs ni Julia!
SEEN: Magulo, maingay at disorganized ang grand presscon kahapon ng Kabisera, pelikula na official entry sa 2016 Metro Manila Film Festival at pinagbibidahan ni Nora Aunor. Hindi binigyan ng importansya ng publicist na si Rosbel Bunag ang mga entertainment press na inimbitahan niya.
SCENE: Excited si Julia Barretto dahil kasali sa 2016 Metro Manila Film Festival ang Vince and Kath and James ng Star Cinema. First time ni Julia na magkaroon ng filmfest entry
SEEN: Si Kiko Matos ang dinumog ng entertainment writers sa presscon ng Kabisera dahil sa mainit na isyu na gimmick lamang ang away nila noon ni Baron Geisler.
SCENE: Payag si Joshua Garcia na maging official ang loveteam nila ni Julia Barretto. Gustong-gusto ni Joshua ang jologs na ugali ni Julia, kahit Inglesera at mula sa well-off na pamilya.
SEEN: Magkasama sa araw ng Pasko sina Vice Ganda at Awra Briguela. Personal na hiniling ni Vice na makasama niya sa Pasko ang kanyang anak-anakan.
- Latest