^

PSN Showbiz

Kilalang personalidad atat nang pakasalan ang aktres na bongga ang career, Nora Aunor magpaparada raw bago mag-pasko!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Na-miss ni Mother Lily Monteverde ang pagsali niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF), kaya uunahan na niya ito ngayon ng parada bilang bahagi ng promo ng Mano Po 7: Chinoy na magsu-showing na sa December 14.

Sa premiere night nito na gaganapin sa SM Megamall sa December 9, magkakaroon muna ng parada sa paligid ng SM Megamall kasali ang buong cast ng pelikula na pangungunahan nina Richard Yap at Jean Garcia.

Samantala, nilinaw naman ng mga taga-MMFF na tuloy pa rin ang Parada ng mga Bituin na naka-schedule sa December 23. Iyon nga lang, mangilan-ngilang lang ang mga bituing kasali. Pero sabi ng iba sulit na raw ‘yun kay Nora Aunor. Okay!

PAK: Napag-alamang naghahanda na ngayon ang isang kilalang male celebrity ng gagawin niyang marriage proposal sa girlfriend niyang sikat na aktres.

Ayaw lang ni male celeb na mapag-usapan, kaya baka hindi rin isuot ni sikat na aktres ang engagement ring pagkatapos ng proposal.

Pero seryoso na si male celeb at gusto na niya talagang pakasalan si aktres dahil sa tagal na rin ng kanilang relasyon.

Hindi lang sure kung handa na ba si aktres na magpakasal dahil lalo pang gumaganda ang showbiz career nito.

BOOM: May resulta na ang naging meeting ng mga taga-PAMI (Professional Artist’s Mana­gers Inc.). Pinag-usapan nila kahapon ang reklamo ni Ping Medina laban kay Baron Geisler at ang kaukulang aksyon dito.

Sinabi ng manager ni Baron na si Arnold Vagafria na tanggap niya kung ano ang magiging desisyon ng ka-miyembro ng PAMI.

Bahagi ng statement ni Arnold; “On behalf of the other members of the PAMI, I gladly acknowledge Ping Medina’s formal complaint against my talent Baron Geisler.

“While we acknowledge Baron’s behavioral lapses, we do not fully agree with the popular decision that he is the only one who is at fault regarding the controversial incident.”

Nilinaw na rin ni Arnold na hindi siya sasali sa botohan para fair. Tatanggapin naman daw nila kung ano man ang magiging desisyon ng naturang grupo sa kaso ng kanyang talent.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with