^

PSN Showbiz

Kapatid ni James Reid, bagong IT Girl!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Thank you girl sa Miss Supranational 2016 ang Philippine representative na si Joanna Eden na sumobra ang projection nang rumampa sa entablado.

SCENE: Nakaburol sa Pinaglabanan Church, San Juan City ang cremated remains ng talent manager na si Bibsy Carballo na sumakabilang-buhay noong Biyernes.

SEEN: In demand na co­ver girl ng mga glossy fashion magazine si Lauren Reid, ang kapatid sa ama ni James Reid. Ang bagong “It Girl” ang bansag kay Lauren.

SCENE: Magkakaroon ng re-shoot ang indie movie na Bubog dahil sa desisyon ng direktor na si Arlyn dela Cruz na bigyan ng bagong role si Ping Medina at huwag nang gamitin ang mga eksena nina Ping at Baron Geisler.

SEEN: Nagbabait-baitan si Baron Geisler dahil Bible verses na ang bukambibig niya pero huli na dahil hindi na siya pinaniniwalaan ng mga tao na nagkakaisa sa opinyon na dapat nang burahin sa entertainment industry ang quarrelsome actor.

SCENE: Nakipagtagisan si Alden Ri­chards sa Singaporean actor na si Adrian Pang ng husay sa hosting sa 21st Asian Television Awards sa Singapore noong Biyernes. Multi-awarded actor si Pang at siya ang leading man ni Lea Salonga sa musical na They’re Playing Our Song noong 1999.

SEEN: Confident si Paolo Balles­teros na tatangkilikin ng publiko at magi­ging successful ang Die Beautiful, ang pelikula niya na official entry sa Metro Manila Film Festival 2016.

SCENE: Christian Bables ang pa­nga­lan ng newcomer na gumaganap na transgender woman bestfriend ni Paolo Ballesteros sa Die Beautiful. Ang I Love You To Death ng Regal Entertainment Inc. ang unang pelikula ni Christian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with