^

PSN Showbiz

O baka naman nagpapataas ng presyo sa GMA, Kris Bernal nakikipag-negotiate sa Viva at Kapamilya!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa Batangas lang daw magsi-celebrate si Christopher de Leon ng kanyang kaarawan.

Tuwang-tuwa ang aktor kapag nababati ang pagiging matikas pa rin niya kahit magiging senior citizen na siya. Exercise raw ang hindi nawawala sa kanya na ginagawa niya halos araw-araw. Pero aminado naman siyang may mga lines na siya sa mukha kaya sa mga pelikula at TV ay kailangan mai­ngat sa mga shots niya. Ito lang naman ang hiling ni Boyet.

Ayaw na raw niyang mag-celebrate pa ng bongang-bongga. Masaya na siyang ma­kasama ang kanyang pamilya at mag-scuba diving sa kanyang vacation house sa Batangas.

Wala nang mahihiling pa si Boyet sa kanyang kaarawan kundi sana ay maging blockbuster hit ang pelikula niyang The Escort kasama sina Lovi Poe at Derek Ramsay, na magsu-showing na sa November 2.

Bukod pa dun ay hinihiling niyang magkaroon ng pagkakaintindihan sa ating bansa.

“We should be very confident on our policies now. We’re doing well as a nation. We just have to hang on, and see, and pray for the country. ‘Yun ang importante,” pahayag ng magaling na aktor.

PAK: Reliable ang nagkuwento sa a­ming na­ki­pag-meeting sa ABS-CBN 2 si Kris Bernal. Lilipat na kaya siya sa Kapamilya network?

Pero hindi lang naman pala siya sa ABS nakipag-meeting kundi pati sa Viva Artists Agency para i-manage ang kanyang career.

Kaya tinanong namin ang ilang taga-GMA Artist Center kung aware ba sila sa ginagawa ng Kapuso young actress. Hindi pa naman daw tapos ang kontrata niya sa GMAAC kaya hindi nila alam kung bakit nakipag-meeting na roon si Kris.

Ang latest na nalaman namin ay tapos na ang network contract niya sa GMA-7, kaya ito marahil ang dahilan kung bakit nakipag-meeting na siya sa Kapamilya network. Pero ganun ba kapursigido na laya­san ni Kris ang GMA-7 at nakikipag-usap na ito sa labas?

Hindi na ba siya masaya sa Kapuso network?

BOOM: Marami ang nagsasabi na mukhang magkakasundo na rin ang mag-asawang Timothy Tan at Sunshine Dizon dahil nagkikita at nagkakausap sila. Namataan nga silang dalawa na magkasama sa fami­ly day event sa school ng kanilang anak, at okay lang naman daw ito para sa mga bata. Pero pareho ang pahayag ng dalawa na tila malabo na silang magkabalikan. Sabi nga ni Sunshine, tuloy pa rin daw ang kaso, at sa November 3 ay magkikita sila uli sa korte dahil sasagutin na rin ni Timothy (pati yata si Clarisma Sison) ang huling affidavit na isinumite ng aktres.

Tanggap na rin ni Sunshine na magiging mabu­ting magulang na lang sila ni Timothy sa kanilang mga anak, pero hindi mag-asawa.

May gagawin nga ang Kapuso actress na drama series sa GMA-7 na sobrang relate na relate raw siya sa nangyayari sa kanya ngayon.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with