^

PSN Showbiz

Tintin isiniksik ang sarili at umeksena sa AlDub?! Takot matokhang, male celeb tumakas na sa ‘Pinas

ABOUT SHOWBIZ - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Tintin isiniksik ang sarili at umeksena sa AlDub?! Takot matokhang, male celeb tumakas na sa �Pinas
Tintin Bersola-Babao

PIK: Hindi malayong magkabalikan sina Kristoffer Martin at Joyce C­h­ing dahil open sila sa anumang posibilidad. Lalo na ngayong magkasama sila sa bagong afternoon drama ng GMA-7, ang Hahamakin ang Lahat na magsisimula sa Lunes, October 31. Mas kumportable na raw sila ngayon.

Sagot ni Joyce, “Open naman po kami sa ganung possibility. Kung may balikan, mas magti-take time lang kami bago kami dumating sa point na ‘yun kasi nga natuto na kami sa past mistakes namin.”

Dagdag na pahayag ni Kristoffer, “Siguro kung mabibigyan uli ng chance na maulit kami na magkabalikan, mas  magagawa namin talaga na mas better ang relationship namin.”

Mas daring daw sila ngayon sa Hahamakin ang Lahat dahil nakawala na sila sa pa-sweet at pa-teeny bopper na roles. Nasa tamang edad na sila at handa na sa sexy scenes na hindi nila dating ginagawa.

PAK: Usap-usapan ng AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza maging ang staff ng Eat Bulaga ang pag-eksena sa fans day ni Tintin Bersola-Babao at nagki-claim na siya si Ninang Dub. Hindi naman siya Ninang sa kasal-kasalan, pero dumating doon para makibahagi sa malaking event.

Pagkatapos ng Kalyeserye wedding nina Alden at Maine, nagbigay sila ng maikling oras para makahalubilo ang fans at magpa-picture. Pero natagalan sila nang umakyat sa stage si Tintin para basahin ang inihandang sulat para kina Alden at Maine. Ang haba raw ng emote niya na sinasabing maihahalintulad niya ang love story nila ni Julius Babao sa kuwento nina Alden at Maine. Irita na raw ang staff dahil wala naman ‘yun sa programa, at siya pa ang naging cause of delay.

BOOM: Lalong napag-uusapan ngayon kung sino ang mga celebrities na nasa drug list. Hinihintay na lang daw ngayon kung ibubunyag ito ni Pres. Duterte.

Hiningan namin ng reaksyon si Dingdong Dantes tungkol dito. Tinanong namin ang bida ng Alyas Robin Hood kung interesado ba siyang malaman kung sinu-sino ang mga nasa sinasabing listahan.

“Hindi ako interesado,” mabilis na sagot ni Dingdong.

“Mas interesado akong gampanan ‘yung mga tungkulin ko rito sa industriya, sa lugar ko, sa foundation ko, sa community.

“What matters is what we’re doing now. And for me, ito ‘yung aking tool bilang artista na makapagbigay inspirasyon sa pamamagitan ng trabaho namin.

“Ito’y isang privilege na hindi naman nabibigay sa lahat. So, ako gagamitin ko ito bilang isang aktor ng GMA to promote positive Filipino values, to promote how it is to be a responsible citizen,” dagdag niyang pahayag.

Pero matunog na pinag-uusapan ngayon kung sino ang male celebrity na tumakas na raw ng bansa at mukhang hindi na babalik. Mainit daw kasi talaga siya sa mga kapulisan at posibleng itumba siya kung mananatili sa bansa. Involved kasi sa pagbebenta ng droga ang nasabing male celebrity.

vuukle comment

ALDUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with