^

PSN Showbiz

Boto kay Aly Sharon gusto nang magkaapo kay KC!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nasa legal age na si KC Concepcion para lumagay sa tahimik at mukhang happy naman siya sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Aly Borromeo.

Matuwa kaya si KC kapag nalaman niya ang sinabi ng kanyang nanay na si Sharon Cuneta na type na nito na magkaroon ng apo?

Tila boto si Sharon kay Aly dahil sa kanyang sinabi na good influence kay KC ang boyfriend nito. Palagi raw masaya si KC kahit hindi niya kasama ang boyfriend na member ng Azkals.

Para sabihin ni Sharon na good influence si Aly kay KC, nangangahulugan ito na magaan ang loob niya sa boyfriend ng kanyang panganay.

Landian nina Alex at Joseph suportado ng buong pamilya

Masaya na ibinalita ni Mother Lily Monteverde na nagbukas kahapon sa 145 theaters sa buong Pilipinas ang My Rebound Girl, ang pelikula na tampok sina Alex Gonzaga at Joseph Marco.

Personal na nagpasalamat kay Mother si Mommy Pinty, ang nanay ni Alex dahil binigyan ng Regal Films ng pelikula ang kanyang anak.

May-I support ng ama at ina ni Alex ang premiere night noong Martes ng My Rebound Girl.

Umapir din ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano. Kasama nina Toni at Paul ang nanay nito na sinuportahan din ang pelikula ni Alex.

Panganganak ni Toni ayaw makita ng nanay

Ikinuwento ng nanay ni Toni na takot siya sa dugo kaya wala siyang power na panoorin ang pagsisilang ng kanyang panganay.

Nabanggit ni Mommy Pinty sa mga reporter na kakuwentuhan niya sa premiere night ng My Rebound Girl na kukunan ni Paul ng video ang panganganak ni Toni.

Hindi shocking ang gagawin ni Paul dahil direktor siya at proud father and husband na gustong i-document ang arrival ng baby boy nila ni Toni.

Sumasakit-sakit na ang tiyan ni Toni sa premiere ng My Rebound Girl pero hindi sila umalis ng sinehan as in tinapos nila ni Paul ang panonood.

Riot sa Bilibid mas malala kesa sa mga eksena sa pelikula

Sugatan sa riot na nangyari kahapon sa New Bilibid Prisons ang controversial drug lord na si Jaybee Sebastian na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Umiral na naman ang fertile imagination ng mga mapagduda dahil may iba silang kutob sa nangyari kay Jaybee na marami umanong nalalaman tungkol sa koneksyon ni Senator Leila de Lima sa talamak na bentahan ng illegal na droga sa loob ng kulungan.

Ayon sa mga report, nagsimula ang riot dahil sinita ng inmate na si Clarence Dongail ang mga drug convict na sina Peter at Tony Co na gumagamit ng shabu.

Nakakaloka na hanggang ngayon, talamak pa rin ang droga sa bilibid, sa kabila ng paghihigpit na ginagawa ng mga bantay.

Hindi puwedeng matsugi si Jaybee Sebastian dahil kailangan ng Department of Justice ang testimonya niya tungkol sa involvement ni De Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Napanood ko na sa mga pelikula noon ni Rudy Fernandez ang mga eksena ng riot sa loob ng kulungan. Ang nangyari kahapon ay patunay na totoo ang mga napapanood natin sa local action movies. Ang pagkakaiba lang, mas matindi ang mga kaganapan sa tunay na buhay dahil mga powerful na tao sa pulitika ang sangkot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with