^

PSN Showbiz

9 months lang... Sharon 66 lbs. na ang natanggal na taba!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Grabe, 66 lbs. na pala ang nawalang timbang kay Megastar Sharon Cuneta. Sa loob lang ‘yun ng siyam na buwan.

Pero gusto pa niyang i-diretso ang pagpapapayat.

Nang magkaroon siya ng health problem kung saan umabot ang blood pressure niya ng 190/210 naalarma na siya at nagsilbing wake up call ‘yun para seryosohin ang pagbabawas ng timbang.

So mag-i-expect na raw ang fans ng sexy poses niya ngayon ngang konti na lang at balik na sa dating hubog ang kanyang katawan. Eh baka naman din dahil sa pagbabalik ng kanyang alindog ay magkaroon na rin siya ng isyu ng sex video? “Maybe sa 2018,” sagot na biro ni Ms. Shawie kahapon sa presscon para sa two night concert niya sa The Theatre of the The Solaire sa October 15 and 22.

Nagbigay din ng inspiration sa kanya ang magagandang nangyayari sa career niya para balikan ang maliit na katawan. Pagkatapos mag-judge sa The Voice Kids 2, heto at balik-concert nga siya.

Taong 2012 pa ang huling concert ni Shawie sa Araneta Coliseum with Martin Nievera na hindi nga masyadong tinao.

Ayon kay Sharon, masakit ang naging karanasan niya sa nasabing concert at natagalan bago niya natanggap at naka-recover sa nangyari. “A lot of people didn’t know there was a concert,” sabi niya.

Nagulat daw talaga sila ni Martin sa nangyari.

Ngayon handa na raw uli siya at nag-pramis siya ng very intimate concert sa kanyang Sharon concert sa Solaire.

Naging emotional naman si Mega nang matanong tungkol sa mga basher na ayaw siyang tantanan. “Kung ano ang narating ko, respetuhin n’yo naman. Napaligaya ko naman kayo,” pakiusap niya.

Anyway, napag-usapan din sa nasabing presscon ang tungkol kay KC. Ramdam niyang maligaya ang anak sa boyfriend nitong si Aly Borromeo na kamakailan lang ay nabalitang hiwalay na.

At kung siya ang tatanungin, gusto niyang mag-asawa na ang panganay na anak.

“Gusto ko na ng apo! Sabi ko kay Kiko, ayoko talagang i-pressure si KC. Sabi ko sa kanya, ‘Anak walang pressure ‘pag ‘di ka agad nagkaanak, magpapabuntis ako!’ Ha! Ha! Ha! Mapapahiya ka. Kahiya-hiya na mabubuntis ang nanay mo na, in nine years, sixty na ‘di ba?,” biro uli ng actress-singer na nakatakda ring magbalik-pelikula.

Samantala, tinawanan ni Shawie ang lumutang na balitang isa siya sa mga celebrity na nag-concert noon sa Bilibid. Tulad sa sinabi ng mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan, ang nasabing concert daw ay para sa TV show niya noon sa TV5.

Sharon is set on October 15 and 22, 2016 at 8PM at The Theater at Solaire. Visit www.ticketworld.com.ph for ticket information.

Direk Brillante at Direk Lav ‘di raw pinag-uusapan ang kompetisyon

Hindi kinagat ni Direk Brillante Mendoza ang intrigang may isyu sa kanila ng isa pang award winning director na si Lav Diaz.

Ang pelikula niyang Ma’ Rosa ang napisil ng Film Academy of the Philippines (FAP) na ipadala para makipagsapalaran sa Foreign Film Category ng Oscars. Ang Ma’ Rosa ang nagbigay ng best actress award kay Jaclyn Jose sa Cannes Filmfest.

Mahigpit daw kasi nitong nakalaban sa pilian ang Ang Babaeng Humayo ni Direk Lav na nanalo naman ng Golden Lion sa Venice Filmfest.

Sa interview binanggit ni Direk Brillante na magkaibigan sila at walang isyu ng competition. “Magkaibigan kami ni Lav. Actually, kinongratulate ko siya at sumagot siya kaagad, at iba na ‘yung pinag-usapan namin. Hindi ‘yung mga pelikula namin kung hindi may ibang bagay kaming pinag-uusapan,” paliwanag ni Direk Brillante na kinuha ng RiteMED  para sa isang natatanging tribute  sa mga ‘carers’ o nag-aalaga ng mga may-sakit. Ang RiteMED, ang panguna­hing branded generics sa bansa at taga-sulong ng “right to health” ng mga Pilipino, ay batid ang mga sakripisyo at dedikasyon ng mga nag-aalaga sa mga maysakit.

Pinamagatang, Pagpupugay, isang pagsasalarawan ito ng mga pagpupunyagi ng isang asawa, kapatid, magulang, anak, kapamilya o professional caregiver sa pag-aalaga nila ng may mga sakit.

Ayon kay Mendoza, ang naging hamon sa kanya ay maipamalas ng mga aktor ang mga tunay na emosyon na nararamdaman ng mga totoong nag-aalaga ng maysakit.

Naantig ang mga puso ng mga nakapanood ng dalawang-minutong obra ng Cannes Best Director awardee na si Mendoza. Ito ay mabilis na naging “trending” sa social media at nakapag-register na ng mahigit na dalawang milyong views sa  official Facebook page ng RiteMed  (www.facebook.com/RiteMedOfficialPage). Naka-post rin ito sa official website ng RiteMED (www.ritemed.com.ph) at sa YouTube channel.

“Maganda ang is­torya, kaya naman ang kinailangan ko na lang gawin ay maipakita ng mahusay ang mensahe. Kakaiba rin ito dahil unang pagkakataon ko na makagawa ng  proyekto para sa mga carers o mga nag-aalaga sa mga maysakit. Espesyal din ito dahil tungkol ito sa mga “unsung heroes” sa ating lipunan. Madalas ay nalilimutan natin ang kanilang mga sakripisyo. Ang pag-aalaga ng maysakit ay nakakapagod emotionally, physically, at psychologically,” ayon kay Mendoza.

Naniniwala si RiteMED General Manager Vincent Guerrero na marami ang naka-relate sa Pagpupugay dahil, “Lahat tayo sa isang punto ng ating buhay ay naalagaan na at nag-alaga na rin.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with