^

PSN Showbiz

Jodi at Bridges of Love nominado sa 2016 Emmy’s

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakakuha ng nominasyon sa International Emmy Awards ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria at ang teleseryeng Bridges of Love.

Tumanggap ng nominasyon si Jodi para sa kanyang pagganap bilang si Amor Powers sa 2015 remake ng Pangako Sa ‘Yo. Lalaban siya sa Best Performance by an Actress category kasama sina Judi Dench (United Kingdom), Grazi Massafera (Brazil), at Christiane Paul (Germany).

Samantala, makikipagtunggalian naman ang Bridges of Love sa Best Telenovela category sa mga telenovela mula sa Canada at Brazil. Kuwento tungkol sa malalim na ugnayan ng magkapatid ang serye na pinagbidahan nina Jericho Rosales, Paulo Avelino, at Maja Salvador.

Balitang ito rin ang pinakaunang Filipino drama na ipinalabas sa Latin American region, partikular sa bansang Peru, via PanAmericana na sinundan ng Pangako Sa ‘Yo  remake nina Jodi na kasalukuyang napapanood sa nasabing Peruvian TV channel. Bukod sa Peru, naipalabas na rin ang dalawang titulo sa iba’t ibang bansa sa Asya at Africa. Bida ang KathNiel sa Pangako.

Tanging si Jodi lang umano at ang Bridges of Love na mula sa Pilipinas ang nakasama sa 40 nominees na kinilala sa sampung kategorya at 15 bansa sa International Emmy Awards ngayong taon.

Noong nakaraang taon, napili si ABS-CBN chief content officer Charo Santos-Concio bilang Gala Chair ng 43rd International Emmy Awards kung saan pormal niyang binuksan ang gala sa pamamagitan ng isang talumpati kaharap ang pinakamahuhusay na producers, creatives, at talents mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Siya ang pinakaunang Filipino Gala Chair na naimbitahan sa prestihiyosong event.

Papangalanan ang winners sa isang seremonya sa Nobyembre 21 sa Hilton New York Hotel. Ang International Emmy Awards ay iginagawad ng International Academy of Television Arts & Sciences.

Gladys buntis sa pang-apat na anak

Proud ang beteranang aktres na si Gladys Reyes sa kanyang Oh, My Mama! co-star na si Inah de Belen dahil tulad niya na nagsimula sa showbiz sa murang edad, nakita niyang may potential na ang dalaga na maging isang magaling na aktres. Ayon sa aktres na kinumpirmang buntis na naman siya sa ikaapat nilang anak ng asawang si Christopher Roxas, naramdaman agad niya ang dedikasyon ng Kapuso aktres sa kanyang ginagawa. “May potential siya. Kasi unang sabak naming dalawa, drama agad. Ramdam mo agad sa kanya na may hugot eh, may pinanghuhugutan agad. Hindi siya mahirap humugot ng emosyon. Itong si Inah, malaking malaki ang potential,” pahayag niya.

Anyway, sinabi ni Gladys na kung siya ang masusunod ayaw muna sana raw niyang magkaanak pero gustung-gusto ng asawa niya.

Sinabi ni Gladys made in the US ang kanilang pang-apat na baby.

Ryzza Mae nagka-calorie count na

Mukhang nagdadalaga na nga ang child star na si Ryzza Mae Dizon dahil sa kanyang pagka-calorie count diet. Kahit ang kasamahan nito sa Eat Bulaga! na si Patricia Tumulak, napa-wow sa ginagawa ni Aling Maliit nang ipost niya sa kanyang Instagram account ang isang photo ng kanyang pagkain.

Nadagdagan ang timbang ni Ryzza Mae at marami nang nag-a-advice na panahon na para magpapayat siya.

Derek at Lovi nagbabaga ang lampungan

Maganda ang trailer ng pelikulang The Escort na bida sina Derek Ramsay, Lovi Poe and Christopher de Leon.

Parang nagbabaga ang mga eksena ng tatlo at todo ang pagpapakita ng kaseksihan nina Derek at Lovi, directed by Enzo Williams for Regal Films.

Hindi lang sa paseksihan may ibubuga siyempre sina Derek and Lovi, kundi sa aktingan din plus Christopher pa kaya tiyak aabangan ito.

Sunud-sunod ang mga pelikulang ipinalalabas ng Regal Films. Ngayong araw lang nakatakdang magbukas sa mga sinehan ang My Rebound Girl starring Alex Gonzaga and Joseph Marco pero heto’t nakapila na ang The Escort.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with