^

PSN Showbiz

Andi at Jake parang teleserye ang love story!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nakakabingi ang katahimikan ngayon ng dating magkasintahang Andi Eigenmann at Jake Ejercito na may kinalaman sa ginawang “confession” ng half-sister ng una na si Max Eigenmann na may kinalaman sa tunay na ama ni Ellie.

Magmula nang pumutok ang ginawang pag-amin ni Max na si Jake umano ang tunay na ama ng five-year-old daughter ni Andi, never pang nagbigay ng anumang komento si Andi maging ang kanyang inang si Jaclyn Jose. Tahimik din ang kampo ni Jake hanggang ngayon.

Parang teleserye ang lovelife ni Andi kung saan nagkaroon ng love triangle kina Albie Casiño at Jake. 

Nang pumutok ang pagbubuntis ni Andi in 2011, si Albie ang itinurong ama ng bata pero to the rescue umano si Jake dahil ayaw nitong kilalanin na siya ang ama ng bata. Ito rin ang naging dahilan kung bakit gusto ng ina ni Albie na ipa-DNA test ang bata para magkaalaman kung totoo ngang si Albie ang ama.

Sa halip na tanggapin ng kampo ni Andi ang hamon ng ina ni Albie, mas lalo pa silang nagalit at lumabas na walang sariling paninindigan sa pag-ako ng responsibilidad sa bata.

Napunta ang simpatiya ng publiko kay Andi at nagalit ang mga ito sa pagiging iresponsable ni Albie. Nag-suffer ang career ni Albie na dapat sana’y orihinal na ka-loveteam noon ni Kathryn Bernardo. Dahil sa pan­samantalang pagkawala ni Albie ay saka naman pumasok ang isang Daniel Padilla at pumutok ang tambalan nila ni Kathryn.

Fast forward, nagpa-DNA test umano si Albie at lumabas na hindi ito ang ama ni Ellie pero walang pag-amin na nagmumula kina Andi at Jake kung sino talaga ang tunay na ama ng anak ni Andi.

Kahit madalas mag-away-bati sina Andi at Jake, marami ang natuwa sa binata ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada dahil sa kabila na “hindi siya” ang ama ng bata ay sobra ang pagiging malapit nito sa anak ni Andi. ‘Yun pala ay totoo silang mag-ama kaya ganoon na lamang ang bonding ng dalawa.

Napakagandang bata ni Ellie and any father would be proud of her.

Panganay ni Kring-Kring nakawala na sa trauma ng Yolanda

Unti-unti nang nagwa-warm up ngayon sa entertainment media ang 17-year-old daughter ni Tacloban City Mayor Kring-Kring Gonzalez-Romualdez na si Sofia Gonzalez nang ito’y makausap ng mga dumayong press sa Tacloban over the weekend.

Kung dati-rati’y napaka-shy niya at tila takot humarap sa press, ngayon ay game na ito.

Tila naka-get-over na rin si Sofia sa trauma na kanilang pinagdaanan sa matinding pana­nalan­ta ng bagyong Yolanda sa kanilang siyudad dahil nakakapagkuwento na ito nang walang halong takot.

Inamin ni Sofia na ang buong akala niya ay katapusan na nila ng kanyang inang si Mayor Kring-Kring at nakababatang kapatid na si Diana dahil kitang-kita nila ang tsunami at biglang pag­ragasa ng tubig sa kanilang bahay sa San Jose.

Since walang second floor ang kanyang bahay, wala silang ibang pupuntahan kaya last recourse nila ang pagbutas ng kanilang kisame kung saan sila bumitin sa loob ng ilang oras hanggang unti-unting umatras ang tubig pabalik ng dagat. 

Sofia was 14 then at 11 naman si Diana.

Because of that experience, unti-unting tuma­pang si Sofia sa pagharap sa maraming challenges even at a very young age dahil bukod sa naging personal experience nila ng kanyang ina at kapatid, personal niyang nasaksihan ang libu-libong patay na nagkalat sa buong siyudad.

Sa darating na November 8 ay gugunitain ng mga Taclobanon ang ikatlong taon ng bagyong Yolanda na kumitil ng libu-libong buhay, nakasira sa mga kabahayan, kabuhayan, at mga inprastraktura.

Malaki man ang naging damage ng siyudad at mga karatig lugar ng Eastern Visayas, maraming natutunan ang mga Taclobanon maging ang mga na­mumuno ng siyudad na pinangunguhanahan nga­yon ni Mayor Kring-Kring Gonzalez-Romualdez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with