^

PSN Showbiz

Kaya natigil ang taping ng bagong show? Female personality may demand na anggulo at test shots

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ngayon pa lang ay lumulutang na pala ang mga problema sa pakikipagtrabaho ng isang female personality sa bago niyang mundo. Marami siyang hinihingi, marami siyang tanong, marami siyang kinukuwestiyon.

Una, sinabi ng female personality ang klase ng pag-aanggulong dapat sa kanya, may bahagi ng kanyang mukha na dapat lang kunan at hindi.

Kuwento ng source, “Mahigpit pala siya sa ganu’n, may anggulo pala siya, hindi pala siya dapat kunan nang kunan lang. Meron pala siyang angle na hindi niya gusto.

“So, kailangang masterin ‘yun ng technical director na bubuton sa cameraman, kailangang ganu’n ang anggulo niya, mas maganda kasi ang rehistro niya sa paborito niyang anggulo.

“Ikalawa, kailangan pala siyang sundan ng mga camera kahit saan siya magpunta, walang problemang magsayang ng effort at shots ang cameraman, dahil ‘yun ang pagpipilian nila.

“Maraming adjustments na kailangan gawin ang staff sa pakikipagtrabaho sa kanya. Hindi pala siya katulad ng ibang artista na puwedeng kunan sa kahit anong anggulo,” kuwento ng aming source.

May rehearsal pala ‘yun. Kailangang sanayin ang mga crew para sa mga shots ng babaeng personalidad. Ngayon lang daw nakaranas ang tropa ng ganitong test shots.

“Para siyang ikakasal na maraming make-up artist ang pinagta-trial ng bride. Du’n titingnan ng ikakasal kung ano ang pinakabagay na ayos niya.

“Napakarami palang rekotitos ng babaeng ‘yun! Nu’ng makarating nga ang mga kuwento sa mga dati niyang katrabaho, e, malalakas na halakhak lang ang naging reaction nila! Hindi pa raw ‘yun kumpleto, there’s more pa raw, wala pa raw sa kalahati ang pinagdadaanan ng mga bago niyang kasama sa show.

“’Yun kaya ang dahilan kung bakit mabagal ang trabaho ng production? Nag-umpisa na sila, pero natigil, hindi kaya nagustuhan ng female personality ang mga anggulo niya?” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Jake takot aminin kay Erap ang anak kay Andi

Nakakatawa ang naging senaryo nang dumalo si Pangulong-Mayor Joseph Estrada sa asalto para kay Senador Bong Revilla. Dahil pinakamaingay na kuwento ngayon ang pagkalantad na ang kanyang anak kay Laarni Enriquez na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann ay natural lang na maraming may gustong makainterbyu sa kanya.

Isang tanong at isang sagot lang ni Mayor Erap ay pang-title na, isang mahabang litanya lang ng aktor-pulitikong ama ni Jake ay isang artikulo na agad, pero walang nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin ang mayor ng Maynila.

Walang may gustong magsalita mula sa pamilya Estrada, kahit si Senator Jinggoy ay iwas na iwas din, kaya maraming hinayang na hinayang sa pagkakataong ‘yun.

Alam ni Laarni na si Jake ang ama ng anak ni Andi, ito ang namahala ng DNA test, hindi kaya nakakita ng magandang pagkakataon ang dating aktres na sabihin ‘yun kay Mayor Erap?

Puwede rin namang si Jake ang inaasahan nitong unang magsasabi sa kanyang ama, mas maganda naman talaga kung si Jake ang magbubukas ng katotohanan kay Mayor Erap, para mas malinaw ang kuwento.

Sabi ng isang kaibigan naming aktor, “Alam mong maraming may gustong magtanong kay presidente, pero andap silang magtanong. Urong-sulong sila, nagtutulakan, pero walang nagtangka.

“Nakakapanghinayang nga naman ang chance. Nandu’n na, e! Ganu’n katindi ang respeto ng lahat kay presidente,” kuwento ng kausap naming aktor.

Sayang na sayang naman talaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with