^

PSN Showbiz

Jolo at Jodi confirmed na ang balikan!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Talagang back to each other’s arms sina Cavite VG Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria. Magkasabay silang dumating sa 50th birthday dinner para kay Sen. Bong Revilla na ginanap sa Custodial Center ng PNP Camp Crame with some of Bong’s friends and all of his fa­mily, minus his father Ramon Revilla, Sr. in attendance.

Naghandog ng dance number ang lahat ng pamang­kin ng senador kasama na ang pinakabata na galing pa ng Davao. Kumanta naman sina Marco Sison, Mark Bautista at Ricky Davao.

Pinakahuling dumating si Mayor Lani Marcado dahil may tinapos pa itong trabaho sa kanyang lugar sa Cavite.

Hindi nakalimot sa kaibigan nila sina  Sen. Jinggoy at Mrs. Precious Estrada, Manila Mayor Erap Estrada, Pip at Lyn Cruz, Bayani Agbayani, Ricky Davao, Lorna Tolentino, Edu Manzano, Phillip Salvador, director Joel Lamangan, Mother Lily Monteverde, Luz Valdez, Rez Cortez, at marami pa.

Bea sinira ang diskarte ni Jake sa concert

Kina Rocco Nacino at Derrick Monasterio na-assign ang pagpapaseksi sa concert nila nina Aljur Abrenica at Jake Vargas nung Sabado sa Music Museum. Does it mean na na-assign ang musicality ng Oh, Boy! sa mga talagang kumakanta na sina Aljur at Jake? Parehong naggitara ang dalawa at malaking plus factor ito sa mga manonood. Si Jake naman ay parang hindi sinamantala ang pagkakataon na ipamalas na siya talaga ang singer sa grupo.

Marami naman ang naniniwala na nakaapekto ang presence ng ex niyang si Bea Binena na obvious na si Derrick ang pinuntahan para i-cheer. Ganun?? Hindi pa nakaka-move on sa kanya si Jake? Andun pa naman si Inah de Belen para suportahan siya, at si Kris Bernal was cheering for Aljur.

Balitang dadalhin ang Oh, Boy! sa abroad. Hoping ang producer nito na talagang bibigay na dun ang dating alaga ni Kuya Germs. Pero, paano ‘pag andun din at sumunod si Bea?

Mariel babalik agad pagkapa­nganak

Nakakaawa naman si Mariel Rodriguez-Padilla dahil hindi nabigyan ng visa si Robin Padilla. Hindi ito makasunod sa kanya sa US para saksihan ang pagsilang ng kanilang panganay. Andun na ang TV host para hintayin ang kanyang panganganak. Buti na lamang at andun ang kanyang pamilya para makasama niya sa oras ng kanyang pagsisilang.

Babalik din naman agad si Mariel to resume her work sa Kapamilya Network. Wala nga namang dahilan para magtagal siya ng US kung wala doon si Robin.

Pumunta siya dun para makasama ang pamilya niya in Robin’s absence. Kung hindi naman ito makakasunod sa kanya, babalik na lang sila agad dito ng baby niya.

Charo handa na sa kasunod ng Humayo

Sa matagumpay na first comeback venture niya ay malamang masundan pa ang Ang Babaeng Humayo ni Charo Santos-Concio. Kahit nasa ABS-CBN pa rin naman siya ay hindi siya ganun kaabala. Makakagawa s­iyang muli ng movie kung gugustuhin niya gaya nang nangyari sa pelikula ni Lav Diaz.

Wala namang nakapagtataka sa namalas kay Charo sa comeback movie niya. Maski na nu’ng nauna siyang nag-artista ay nakita na ang kagali­ngan niya sa pag-arte. Mas financially rewarding nga siguro ang pagtatrabaho sa isang malaking network tulad ng ABS-CBN, pero lahat nang ito ay binawi niya sa kanyang muling paggawa ng pelikula kung saan ay namalas muli ang pagiging aktres niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with