^

PSN Showbiz

Kalokohang balita na pagpapakamatay ni Brad Pitt pinaniwalaan ng mga Pinoy

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Katsipan ang tsismis na nagpakamatay si Brad Pitt dahil hindi nito kinaya ang pakikipaghiwalay sa kanya ni Angelina Jolie.

As usual, may mga naniniwala sa hoax o kur­yenteng balita na gawa-gawa ng mga imbyerna kay Brad na kontrabidang-kontrabida sa paningin ng fans ng kanyang soon-to-be-ex-wife.

‘Yung mga Pinoy na magpaniwala na nakikinig sa mga sabi-sabi kaya walang bait sa sarili, may-I-share pa ng kuryenteng balita. Pati ang ibang mga Pinoy celebrity, naniwala pero nagtanung-tanong sila dahil kaduda-duda nga ang walang katotohanan na tsismis.

MRG swak sa mga sawi

Bukas na ang grand premiere night ng My Rebound Girl sa SM Megamall Cinema.

Ang May Rebound Girl ang feel good at romantic comedy movie ng Regal Entertainment, Inc. at starring sina Alex Gonzaga at Joseph Marco.

Dapat panoorin ng mga babae na madalas na nasasawi sa pag-ibig ang My Rebound Girl dahil siguradong may mga matutunan sila na aral tungkol sa paghahanap ng kanilang lifetime partner.

Belo 26 years na, may pa-kontest na Mirror, Mirror

Ipinagdiriwang ngayong 2016 ng The Belo Medical Group ang 26th anniversary kaya inilunsad nila ang contest na Mirror, Mirror on the wall, you can be the fairest of them all! na online contest tungkol sa the best and the brightest celebrity endorsers.

Puwedeng bumoto ang publiko at mag-win ng mga premyo mula sa number one beauty clinic sa bansa ni Dra. Vicki Belo.

Makakaboto sila sa bagong website ng Belo, ang http://www.belomed.com/belo26 at may tsansa sila na mag-win ng P26,000 worth of Belo gift certificates o isa sa 26 Belo gift packs sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang top choices para sa mga kategorya ng Fairest Belo Love Team, Hottest Belo Momma, Belo Beauty Princess, Belo Beauty Queen, Belo Hunk, Ageless Beauty, at ang Most Popular Belo Campaign.

Isa-isahin natin ang mga celebrity ng endorser ng The Belo Medical Clinic at nominated para sa mga nasabing kategorya, ang ilan sa kanila ay sina Regine Velasquez, Piolo Pascual, Zsa Zsa Padilla, Daniel Padilla, Derek Ramsay, Lovi Poe, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Alden Richards, Maine Mendoza, Liza Soberano, Sarah Lahbati, Georgina Wilson, Anne Curtis, Isabelle Daza, Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, Enrique Gil, Nadine Lustre, James Reid, Ruffa Gutierrez, Jennylyn Mercado, Rhian Ramos, Alodia Gosiengfiao, Lucy Torres-Gomez, Alice Dixson, Coleen Garcia, Billy Crawford, Andi Eigenmann, Julia Montes, Alex Gonzaga, Toni Gonzaga, Karylle, Sunshine Dizon, at marami pang iba.

Nominado sina Alden Richards, James Reid, Daniel Padilla, Maine Mendoza, at Nadine Lustre kaya kahit papaano, may idea na tayo sa matinding suporta na gagawin ng fans nila. Wish ko lang, huwag umabot sa bashing ang pagsuporta ng fans na handang makipag-away para sa mga artista na kanilang iniidolo.

Nagsimula na ang botohan, matatapos ito sa  Sept. 30 at sa October 3 ang announcement ng mapapalad na winners sa pamamagitan ng email notification.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with