^

PSN Showbiz

Sarah naging ibang tao kay Matteo!­

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ngayong tatlong taon na ang relasyon ng magkasintahang Matteo Guidicelli at Pop Princess na si Sarah Geronimo, hindi na talaga itinatago ng da­la­wa ang relasyon nila dahil madalas na silang makita sa mga public places.

Marami ang natuwa sa couple nang makita silang sweet na magkasama sa whale shark watching sa Oslob, Cebu bilang selebrasyon ng magkasintahan sa kanilang anniversary. Nakita pa ang dalawa na magka-hol­ding hands sa ilalim ng dagat na umani ng maraming likes sa social media.

Magmula nang maging boyfriend ni Sarah si Matteo ay nagkahilig na rin ito sa sports na siyang hilig ng nobyo. Bago ang whale shark watching ay nagkasama rin ang dalawa sa mountain climbing na siya namang birthday gift ni Matteo sa kanyang girlfriend.

Marami rin ang nakapansin na magmula nang maging kasintahan ni Sarah si Matteo ay marami na rin ang nabago sa Pop Princess kasama na rito ang pagiging independent at pagdedesisyon para sa kanyang sarili at pagiging daring nito sa kanyang mga moves. Hindi ito katulad ng dati na ang kanyang parents especially her mom na si Mommy Divine ang nagpapatakbo ng kanyang buhay.

Sarah has grown up and matured as a person lalupa’t 28 years old na siya.

Alex kating-kati nang makita ang anak nina Toni at Direk Paul

Any day now ay nakatakdang isilang ni Toni Gonzaga ang first baby nila ng asawang si Direk Paul Soriano. The couple is expecting a baby boy.

Hindi pa man lumalabas ang unang baby nina Toni at Direk Paul ay excited na ang huli na nakatakdang i-video ang panga­nganak ng kanyang misis.

Magkahalong excitement at nerbiyos ang nararamdaman ngayon ni Direk Paul ngayong malapit na niyang makita at makarga ang kanilang magiging first born ni Toni.

Bukod kay Direk Paul, super excited din ang nakababatang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga na masilayan ang kanyang unang pamangkin.

Angelina Jolie ilalaban ang kustodiya ng anim na anak 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-get over ang maraming Filipino celebrities sa hiwalayang nang­­ya­ri sa pagitan ng hot Hollywood celebrity couple na Brad Pitt at Angelina Jolie. Maraming fans ang Brangelina tandem sa buong mundo.

Taong 2004 pa umano nagkaroon ng relasyon sina Brad at Angelina pero noong August 2014 lamang nagpakasal ang dalawa sa France. Ang ex-couple ay may anim na anak.

Hindi lamang ang Amerika ang nakatutok ngayon sa break-up nina Brad at Angelina na inakalang “role model” bilang isang couple kundi maging ng buong mundo kasama na ang Pilipinas.

Madalas na umanong mag-away ang mag-asawa at naaapektuhan na rin ang kanilang mga anak kaya nagdesisyon na si Angelina na wakasan ang kanilang pagsasama.

Karma naman (kay Angelina) ang nasabi ng ex-wife ni Brad, ang isa pang Hollywood actress na si Jennifer Aniston dahil hiniwalayan siya ni Brad dahil kay Angelina. Nagkatrabaho sina Brat at Angelina sa pelikulang Mr. & Mrs. Smith kung saan umano nabuo ang pag-iibigan ng dalawang bida.

Taong 2005 nang i-divorce ni Brad si Jennifer na may asawa nang iba nga­yon, si Justin Theroux at masaya ang kanilang pagsasama.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with