^

PSN Showbiz

Jake noon pa nagpapakaama sa anak nila ni Andi

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang rebelasyon na si Jake Ejercito ang biological father ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie ang pinakamalaking showbiz news sa linggong ito.

Ang half-sister ni Andi na si Max Eigenmann ang nagkumpirma ng matagal nang tsismis na hindi diretsahan na sinasagot ng unica hija ni Jaclyn Jose.

Sa true lang, hindi ako nagulat sa balita na si Jake ang fadir ng bagets. Dalawang beses ko nang nakasama si Jake sa tanghalian sa restaurant na pag-aari ng pamilya nila sa Greenhills, San Juan.

Hindi nag-deny pero hindi kinumpirma ni Jake na ito ang fadir ni Ellie nang magkausap kami pero halatang-halata sa reaksyon niya na siya ang biological father.

Kahit break na sila ni Andi, nahihiram at naipapasyal pa rin ni Jake si Ellie kaya mararamdam mo na may special connection at attachment siya sa bagets.

At least, hindi na pahulaan ngayon ang tunay na identity ng tatay ni Ellie at higit sa lahat, may dugong Estrada pala siya dahil apo ni Papa Joseph Estrada ang cute na cute na anak nina Jake at Andi.

Albie nabugbog!

Limang taon na parang on-and-off na teleserye na sinubaybayan ng publiko ang on-and-off din na love affair nina Jake at Andi.

Vindicated ang ex-boyfriend ni Andi na si Albie Casino na unang napagbintangan na biological father ni Ellie.

Totoo pala ang mga sinabi noon ni Albie na hindi ito ang ama ng bata kaya wala siyang nararamdaman na lukso ng dugo.

Naging biktima pa si Albie ng pambubugbog noong May 2012.

Kung matatandaan ng dear readers ng PSN, nagkita nang hindi sinasadya sa isang bar sa Makati City sina Albie at Andi.

Kasama ni Andi ang kanyang mga kaibigan. Nakalagay sa police report na mula sa testimonya ni Albie, nagkaroon sila ni Andi ng confrontation scene, sinampal at binuhusan siya ng alak ng kanyang ex-dyowa.

Pagkatapos sampalin ni Andi, kinuyog si Albie nina Frank Magalona, Carlos Concepcion, Jeck-Jeck Lacson, at Neil Arce.

Isinugod si Albie sa Makati Medical Center dahil sa kanyang mga sugat na resulta ng pang-uumbag sa kanya.

Four years later, nagkaroon ng closure ang kontrobersya dahil sa pag-amin ni Max na si Jake ang tunay na ama ng kanyang pamangkin.

Reaksyon nina Jaclyn at Erap inaabangan na

I’m sure, ang bagong rebelasyon tungkol sa ama ng kanilang apo ang itatanong kina Papa Erap at Jaclyn Jose na muntik nang maging mag-balae.

Type na type ng mga reporter na interbyuhin si Jaclyn dahil hindi uso sa kanya ang mga off the record. Walang paliguy-ligoy si Jaclyn sa pagsagot kapag tinatanong tungkol sa mga isyu sa kanya at sa pamilya niya.

Mahal na mahal ni Jaclyn si Ellie at isa ito sa kanyang mga inspirasyon ngayon. Kapag tungkol sa apo niya ang isyu, very protective si Jaclyn na isang mapagmahal na ina at lola.

Mga gustong mag-artista inaabangan na ang programa nina Miguel, Bianca, at Jak Ngayong hapon ang pilot telecast ng Usapang Real Love o URL ng GMA-7.

Starring sa URL ang loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Co-star nila si Jak Roberto na kapatid ng Encantadia star na si Sanya Lopez.

Confident ang GMA-7 na magugustuhan ng televiewers, lalo na ng mga teenager ang pambagets na kuwento ng URL, ang first interactive romantic comedy series sa telebisyon.

Inaabangan ng mga aspiring star ang URL dahil baka ito ang maging daan para matupad ang dream nila na makapasok sa showbiz sa pamamagitan ng mga video na kanilang ipadadala at puwedeng mapanood sa programa nina Miguel at Bianca.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with