^

PSN Showbiz

Alyas Robin Hood ni Dingdong kopya raw sa US TV series na Arrow!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Habang isinusulat ang kolum na ito, wala pang reaction ang GMA Network, si Dingdong Dantes at si direct Dominic Zapata sa mga akusasyon na ginaya nila sa US TV series na Arrow ang Alyas Robin Hood.

Ipinarating ng ilang Pinoy netizens kay Stephen Amell, bida ng Arrow ang tungkol dito at may nagpadala pa ng teaser ng Alyas Robin Hood sa kanya and he shared it sa FB page niya at nilagyan ng emoticon na gulat na gulat.

Si Suzette Doctolero, isa sa mga creative consultant and concept developer ng GMA-7 ang naunang naglinaw sa isyu. Nagsalita ito dahil sa FB account niya sumugod ang mga nag-akusang netizens at sa kanya nakipagdebate.

Sabi ni Suzette, ang poster na ginamit at inilabas na poster ng Alyas Robin Hood ay fan art at hindi galing sa GMA-7. Ang picture ni Dingdong ay galing sa publicity photo ng Genesis na ginawa niya noong 2013 pa at nilagyan lang ng hood at iginaya sa poster ng Arrow.

Ang picture ni Megan Young ay galing sa cover ng Sunday magazine ng isang broadsheet at ang picture ni Andrea Torres ay galing sa publicity photo ng Sana Ay Ikaw Na Nga.

Hindi pa naglalabas ng official poster ang GMA-7 dahil sa last week pa yata ng September ang airing nito.

Kaugnay nito, nag-react si BJ Pascual, ang photographer na kumuha ng picture ni Megan. Sabi nito sa FB: “Also they used my photo of megan without my permission! Tang i-a yan.”

Nang malaman ni BJ na fan art ang poster, nag-post ito ng “(Edit) ok fan made raw pala yon not official.” Hinintay ng netizens na mag-sorry si BJ sa pagmumura niya sa GMA-7, pero hindi nito ginawa.

Ang inisip na lang ni Suzette, publicity ito para sa Alyas Robin Hood at dahil sa ingay na dala ng kontrobersya. Marami tuloy ang curious na mapanood ang teaser nito at makita ang fan art poster.

Yen Santos hindi matanggal ang kilig kay Piolo

Natuwa ang mga reporter kay Yen Santos na pumirma ng four-picture contract sa Regal Films at isa sa Millennial Regal Baby dahil mabait at magiliw ito sa press people. Siya ang unang bumati sa mga reporter at diretsong sumagot sa mga tanong. Pati nga intriga ay sinasagot nito.

Malaki ang pasasalamat ni Yen kina Mother Lily at Roselle Monteverde sa pagkuha sa kanya para maging Regal baby. Thankful ito na sa kanya ibinigay ang pagiging leading lady kay Piolo Pascual sa Once In A Lifetime.

Ikinuwento ni Yen na bumalik ang pagka-star struck niya kay Piolo sa shooting nila sa New Zealand. Akala nito, na-overcome na niya na una niyang naramdaman sa look test at storycon nila. Sa second day ng shooting, nag-adjust pa rin siya dahil nahihiya pa rin sa kaguwapuhan ng aktor.

Honestly, hindi namin ini-expect na sasagutin ni Yen ang tsismis sa kanila ni director Dondon Santos na GF siya nito kaya siya ang napiling itambal kay Piolo. “Natawa na lang kami ni direk Dondon at napag-usapan ang tungkol diyan. Pareho pa ka­ming Santos. Hindi po totoo ‘yan at nagsimula lang ang tsismis nang magkaroon ako ng project na siya ang director,” paglilinaw ni Yen.

Wala pang playdate ang Once In A Lifetime at kasalukuyan pang sinu-shoot.

Jerald nagpaliwanag sa halikan nina Alden at Valeen

Nang makausap si Jerald Napoles sa presscon ng Superstar Duets, ikinuwento at ipinakita pa nito kung paano niya kinunan sa snapchat sina Alden Richards at Valeen Montenegro na inakala ng ilang fans na naghalikan, kaya na-bash silang tatlo.

Malabo nga namang maghalikan sina Alden at Valeen dahil una, wala silang relasyon. Pangalawa, maraming tao sa dressing room. Pa­ngatlo, kilala ni Alden ang BF ni Valeen dahil madalas siyang kasama nito sa rehearsal at sa show.

Kararating lang daw noon ni Alden at bumeso siya sa lahat. Nataong nag-usap sila ni Valeen kung saan nakatingala ang aktres at nakatalikod si Alden. Inisip ng mga nakakita na naghalikan ang dalawa. Hindi ‘yun ang first time na na-bash si Jerald ng ilang AlDub fans, kaya sanay na siya. Samantala, si Celine Dion ang makaka-duet ni Jerald sa first two episodes ng Superstar Duets na airing na sa September 3 (Saturday) after Magpakailanman. Ang The Prayer ang una nilang duet. Si Bert de Leon ang director nito ng show na mas maraming halakhakan at laglagan.

Dennis at Heart hindi na nagkakahiyaan

Isa sa magandang dulot ng pagtatambal nina Dennis Trillo at Heart Evangelista sa Juan Happy Love Story ay ang mawala ang gap sa kanilang da­lawa. Nakapag-relax at naging komportable si Dennis with Heart na hindi nangyari sa first two projects na ginawa nila dati.

Kay Heart naman, successful ang pag-alis niya sa kanyang comfort zone na laging pa-sweet ang mga role. Sa JHLS, napatunayan niyang kaya niyang makipag-kissing, gumawa ng love scene at makipag-bed scene pa. Ibang Heart ang napanood ng viewers dito na ipinagpasalamat ni Heart.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with