^

PSN Showbiz

Matapos makitira, dating aktres maraming ninakawang Pinoy sa ibang bansa!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Natural nang ugali ng ating lahi ang pagiging matulungin. Maawain din at mapagbigay ng simpatya ang mga Pinoy. Hindi lang dito sa atin, sa iba-ibang bansa man ay bitbit ng mga Pinoy ang pagi­ging matulungin, nakikitira sa kanila ang iba-ibang lahi.

At kung nakapagpa­patira sila ng mga banyaga ay bakit hindi ang mga Pinoy? Magkakababayan sila, iisa ang kultura, kaya inaampon din nila ang mga kababayan nating may pinagdadaanan.

Isang grupo ng mga Pinoy na matagal nang naninirahan sa isang malamig na bansa ang kumupkop sa isang dating kilalang personalidad dito sa atin. Maganda pa rin ang babae, pero ang hubog ng kanyang katawan na pinagkaguluhan nu’n ng mga kalalakihan ay wala na, tumaba na ang dating kila­lang female personality.

Ilang araw nilang pinatira sa kanilang bahay ang babae, kain-tulog lang ang kanyang ginagawa, ni hindi siya tumutulong sa mga trabahong-bahay ng mga kumupkop sa kanya.

“Okey na sana ‘yun, baka kasi sobrang devastated siya, pero ang ikinagalit ng mga umampon sa kanya, e, natuklasan nilang wala na ang mga mamahalin nilang kagamitan! Umalis siya nang walang paalam na tangay ang mga mahahalagang kagamitan ng mga kumupkop sa kanya.

“Nawalan sila ng mga alahas, cellphone, paintings at iba pa. Pinag-aralan lang pala ng girl ang mga galaw nila sa araw-araw at inalam lang niya kung saan ang taguan ng mga kagamitan nilang puwedeng ibenta nang mabilisan!

“Hayup ang babaeng ‘yun! Kaya naman pala nagkakawindang-windang ang buhay niya sa ibang bansa, e, dahil isa siyang matingger-z! Mangne­nenok siya!

“Bakit hindi niya patapyasan ang boobs niya at ‘yun ang ibenta niya? Marami nang nabibiktima ang hitad na babaeng ‘yun! Ipinakikita niya ang mga clippings niya sa mga kababayan natin nu’ng nag-aartista pa siya.

“Magmamakaawa siyang patirahin, ‘yun naman pala, e, titirahin niya ang mga valuables ng mga nagpapatira sa kanya. Bastos na babae, matingger-z talaga siya!” kuwento pa ng a­ming source.

Ubos!

Dahil sa utang na loob, Ogie hindI basta makaalis sa TV5

Saludo kami sa pagtanaw ng utang na loob ni Ogie Alcasid sa mga tao at istasyong nakakatulong sa kanya. Pinili niyang pumirma ng kontrata sa TV5, marami siyang ginawang programa sa istas­yon, tapos na ang kontrata niya ngayon sa Kapatid network.

Pero sa kahit anong interbyu ay paulit-ulit ang pasasalamat ng ma­galing na singer-composer sa TV5, hindi siya tumatalikod sa istasyon, napa­kalayo niya sa ibang nagtrabaho rin sa network na walang pagpapahalaga.

Tulad ng isang young actor na ginastusan ng network para sa kanyang mga proyekto, nang lumundag ito sa ibang istasyon ay parang ni wala itong tinatanaw na utang na loob sa TV5 hanggang ngayon ay ham actor pa rin ang ikinakambal na paglala­rawan sa young actor na bansutin.

Isama na rin natin sa kanya ang isang young actress na talagang spoiled na spoiled nu’n sa TV5, maraming inabalang production people at mga kasamahang artista ang maarteng young actress, kapag natatanong ito ngayon tungkol sa TV5 ay kung anu-ano lang ang kanyang pinagsasasabi.

Nasa tao talaga ang pagtanaw ng utang na loob. Tulad ni Ogie Alcasid, mapagpahalaga ang singer-composer, kinulang man sa kanyang inaasahan ang istasyon ay maliwanag ang kanyang posisyon na malaki pa rin ang naitulong sa kanya ng TV5.

Bukod sa pagtanaw ng utang na loob ni Ogie Alcasid ay hindi siya nagsusunog ng tulay. Alam niya na napakaliit lang ng mundo ng showbiz, alam niya na iilang network lang ang iniikutan ng mga artista, kaya kailangang buung-buo ang mga tulay na isang araw ay siguradong tatawiran niya uli.

Pak! Ganern!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with