^

PSN Showbiz

Kapatid ni KC waging Miss Earth Sweden

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Luz Valdez si Cloie Skarne sa Miss Universe Sweden 2016 pero Winnie Monsod pa rin ang beauty niya dahil may-I-take home niya ang Miss Earth Sweden crown.

May mga nang-iintriga na baka hindi happy si Jenny Syquia dahil hindi na-getlak ng kanyang anak ang korona ng most prestigious beauty contest in the universe.

Mabuti nang may beauty title si Cloie kesa wala. Miss Earth Sweden is Miss Earth Sweden ‘no! At least, hindi nabale-wala ang kanyang mga preparation at pralala tungkol sa pagsali niya sa Miss Universe Sweden.

Ang Carousel Productions ang nagpapatakbo sa Miss Earth at knows ng lahat na mga Pilipino ang organizer ng beauty pageant, sina Ramon Monzon at ang former beauty queen na si Lorraine Schuck kaya madalas na ginaganap sa Pilipinas ang contest.

Therefore, malaki ang tsansa na bumalik si Cloie sa Pilipinas kung sakali na dito idaos ang coronation night sa October 2016.

May chance rin ang anak nina Jenny at Gabby Concepcion na mag-win sa Miss Earth dahil may Pinoy blood siya. Baka ‘yun nga ang dahilan kaya pinili ang kapatid ni KC Concepcion ng Miss Universe Sweden Organization para manalo ng Miss Earth Sweden crown ‘no?

Jenny Syquia pinaglaruan ng tadhana sa pagsali ng anak sa beauty pageant

Never na sumali si Jenny sa mga beauty contest noong dalaga pa siya kaya hindi niya naranasan na maging beauty queen.

Si Jenny ang ipinalit ni Gabby kay Dindi Gallardo noong 1993. Si Dindi ang ex ni Gabby na nag-win ng Bb. Pilipinas-Universe title noong 1991, nagpunta sa Mexico para lumaban sa Miss Universe at habang wala siya sa Pilipinas, nalaman niya na may bago nang girlfriend si Gabby at si Jenny nga ito. Hindi lang basta girlfriend ni Gabby si Jenny dahil nagpakasal sila.

Twenty one years old si Dindi nang mag-join sa Bb. Pilipinas at 21 din ang edad ni Cloie nang sumali ito sa Miss Universe Sweden.

Mapaglaro talaga ng tadhana dahil parang ang yapak sa beauty contest ng ex-girlfriend ng kanyang ama ang sinusundan ni Cloie.

Ang difference lang, mas prestigious ang beauty title na nakuha ni Dindi. O ‘di ba, mamema lang ako, talagang binalikan ko ang nakaraan na siguradong hindi alam ni Cloie dahil hindi pa ito isinisilang nang mangyari ang kuwento  na tiyak na nakalimutan na ng madlang-bayan.

Dindi walang masamang tinapay kay Jenny

To be fair, walang bad blood sa pagitan nina Dindi at Jenny dahil nagkasama pa sila sa pelikula ng Viva Films noong 1997, ang Hanggang Dito Na Lang.

Sinubukan ni Jenny na mag-artista nang maghiwalay sila ni Gabby pero hindi nagtagal ang showbiz career niya dahil nag-migrate siya sa ibang bansa, kasama si Cloie.

Hindi naman kasi mapagtanim ng sama ng loob si Dindi dahil ayaw niya ng mga negative vibes kaya wala siyang nakaaway sa showbiz.

Anyway, nagkatotoo para kay Jenny ang title na Hanggang Dito Na Lang dahil hanggang doon na lang ang kanyang acting career bilang pinili nga niya na manirahan at subukan sa ibang bansa ang kapalaran nila ni Cloie. O siya, hanggang diyan muna ang throwback story ko!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with