^

PSN Showbiz

Jennylyn nadulas sa tawag na mahal kay Dennis!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa Wednesday na ang last taping day ng Juan Happy Love Story at sa Friday na magtatapos ang naughty rom-com series na pinagbidahan nina Dennis Trillo at Heart Evangelista.

Nalulungkot at nabigla si Dennis na magtatapos na ang Juan happy Love Story, dahil parang ang bilis daw ng airing nito kahit 16 weeks ito tumagal sa ere.

Kabilang sa favorite scenes ni Dennis ang mga eksenang nakikipag-make love siya kina Heart at Kim Domingo dahil nakakatawa at walang malis­ya. Pareho rin nilang favorite ni Heart ang eksena sa Obando na nagsayaw sila para humingi ng anak.

May mga leksyon din ang Juan Happy Love Story at umaasa si Dennis na nakarating sa mga mag-asawa, lalo na sa mga lalaki. Ito ay ang ‘wag pairalin ang pride at kung may kasalanan, aminin para hindi na magtagal ang away.

After ng taping, focus na si Dennis sa shooting ng Viva Films movie na Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? Pagkatapos nito, wala pa siyang alam na next project niya, kaya tinanong siya kung posibleng siya na lang ang gumanap na Matteo Do sa Pinoy adaptation ng My Love From The Star na pagbibidahan ni Jennylyn Mercado.

Walang malinaw na sagot dito si Dennis at ang alam niya, nagpapa-audition ang GMA-7 sa aktor na makakapareha ni Jennylyn.

Anyway, pinakilig na naman nina Dennis at Jennylyn nang i-post at i-promote sa Instagram (IG) niya ang release ng bagong single ng singer-actress at ang music video ng Hagdan. Nag-comment kasi si Jennylyn ng “Salamat mahal” kaya lang, agad nitong binura pero bakit kaya? Bawal pa rin bang aminin ang relasyon nila?

Carla umeksena kina Dennis at Heart

May cameo role si Carla Abellana sa Juan Happy Love Story bilang ang lumaking si Katkat, ang adopted daughter nila Dennis Trillo at Heart Evangelista sa rom-com series. Sa paglaki ni Katkat, magiging book writer siya at isinulat nito ang love story ng adoptive parents niya. May eksenang ni-launch ang book ni Katkat.

Hindi na namin nahintay na ma-interview si Carla sa pagbisita namin sa taping, kaya hindi namin nari­nig ang rason niya kung bakit tinanggap na mag-cameo siya at one to two scenes lang yata siya mapapanood at sa final episode pa yata. At least, masasabi ni Carla na naging anak na siya nina Dennis at Heart.

Hindi pa man naipalalabas... Pelikula nina Daniel at Kathryn abot 300 na ang nakareserbang block screening!

Sobra ang pagkasabik ng fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na muli silang mapanood sa pelikula dahil ang trailer ng pelikula nilang Barcelona: A Love Untold na pinost sa Facebook ay uma­bot agad sa 1-M views within 10 hours.

Lahat ng nakapanood ay gandang-ganda sa pelikula ng magka-love team na mula sa direction ni Olivia Lamasan. Hindi na makapaghintay sa September 14 showing ang KathNiel fans, kaya ang trailer muna ang paulit-ulit na pinapanood.

Heto pa, in-announce raw ni Karla Estrada sa Magandang Buhay na aabot na sa 300 ang naka-schedule na block screenings ng Barcelona. May sponsor ng fans, sponsor ng celebrity friends ng KathNiel, sponsor ng endorsements nila, at may university-sponsored pa kaming narinig. Ito ‘yung block screening na ang nasa likod ay university students na supporters nina Daniel at Kathryn.

Atom sawa nang mag-reporter, magko-concentrate sa paghu-host

Para siguro matigil na ang tsismis sa tunay na rason ng pagre-resign ni Atom Araullo sa ABS-CBN, naglabas siya ng statement sa FB at Twitter at umaasa itong wala nang magiging isyu after this. “I quietly resigned as a news reporter of ABS-CBN a few weeks ago to explore other areas of media and to grow as a journalist. However, I continue to work with the network and our programs. My political views were not a factor in making this decision.

“Having studied pressing issues based on fact and with an open mind, journalists, like any other individual, should ultimately stand up for the truth. This does not weaken our journalism, it strengthens it. Our guiding principles are fairness and accuracy. As we face tougher scrutiny from the public, we in media also strive to be more transparent and open to criticism.

“I thank everyone for the support they expressed on social media. I look forward to playing my role in the debates and issues to come.”

Sa pagiging reporter lang ng ABS-CBN nag-resign si Atom, kaya patuloy siyang mapapanood sa Umagang Kay Ganda at Red Alert na isa siya sa mga host.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with