^

PSN Showbiz

Mga pelikula sa TOFARM filmfest palabas sa Cabanatuan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasalukuyang ipinapalabas ngayon sa mga sinehan ng SM City Cabanatuan ang anim na pelikulang kalahok sa 1st TOFARM Film Festival na ang layunin ay buksan ang kaalaman ng publiko sa pang araw-araw na buhay ng mga magsasaka at hamon na kanilang kinakaharap. Mismong si Dr. Milagros Ong-How, executive vice president ng Universal Harvester, Inc. at chief advocate ng TOFARM ang s­iyang nagbukas ng telon sa mga sinehan dito ang anim na pelikulang aantig sa damdamin ng hindi lang mga magsasaka kundi lahat ng mamamayang Novo Ecijano.

Inaanyayahan ni Dr. How ang publiko na panoorin ang anim na pelikulang kanilang napili mula sa daan-daang kalahok. Ito ay ang mga sumusnod:Free Range na ginawa sa Coron, Palawan na isinulat at idinirek ni Dennis Marasigan; Kakampi na kinunan sa Camiguin Island na isinulat at idinirek ni Vic Acedillo, Jr.; Paglipay (Crossing) na kinunan sa paanan ng Mt. Pinatubo sa Zambales, isinulat at idinirek ni Zig Madamba Dulay.

Ang tatlo pang pelikula na tiyak na tatangkilin ng masa ay ang Pauwi Na na kinunan sa Sampaloc at Sta. Mesa sa Maynila, sa panulat at direksyon ni Paolo Villaluna; Pilapil na kinunan sa mga probinsiya ng Tarlac at Bulacan, sa panulat at direksyon ni Jojo Nadela; at ang Pitong Kabang Palay na kinunan sa Santiago City, Isabela, sa panulat at direksyon ni Maricel Cariaga.

Mula Agosto 24-30 ay matutunghayan ito ng publiko sa mga sinehan ng SM City Cabanatuan at sabayan din itong mapapanuod sa mga sinehan ng SM Clark sa Angeles City, Pampanga.

Nakatakda rin itong matunghayan sa mga sinehan ng SM Cebu sa Sept. 14-20 at sa SM Davao sa Oct. 12-18.    

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with