^

PSN Showbiz

Pamilya nina Gary V at Angeli may pinagdaraanan!, Dyowa ni KC special guest sa birthday ni Sen. Kiko

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Dasal para sa pamilya nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan ang hiling ng kanilang concerned friends dahil sa “family problem” na pinagdaraanan nila.

SCENE: Hindi napanindigan ni Kris Aquino ang vow of silence dahil nagkuwento pa rin siya tungkol sa pamimili niya sa ibang bansa ng mga kagamitan na kailangan para sa condominium unit na lilipatan nila ng kanyang mga anak.

SEEN: Natupad ang pangarap ni Atak na maging mainstay ng Sunday PinaSaya, ang Sunday show na pinapanood lamang niya dati sa TV.

SCENE: Ang boyfriend ni KC Concepcion na si Aly Borromeo ang special guest sa birthday dinner ni Senator Francis Pangilinan na nagdiwang ng 53rd birthday noong Miyerkules, August 24, 2016.

SEEN: Ngayong gabi ang world premiere ng full trailer ng Barcelona: A Love Untold sa lahat ng mga sister station ng ABS-CBN. Mga bida sa Barcelona: A Love Untold sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

SCENE: Ngayon ang huling gabi sa telebisyon ng Dolce Amore, ang primetime teleserye nina Enrique Gil at Liza Soberano. Ang Till I Met You ang ipapalit ng ABS-CBN sa timeslot ng Dolce Amore.

SEEN: Hiwalay na sina Barbie Forteza at Kiko Estrada. Natuwa ang fans ni Barbie dahil hindi sila boto kay Kiko.

SCENE: Hindi puwedeng irekomenda nina Rommel at Robin Padilla sa kanilang kapatid na si BB Gandanghari ang Bravo, ang men’s food supplement na bagong product endorsement nila. #AlamNa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with