^

PSN Showbiz

Tom naghahanda nang pakasalan si Carla! Baguhang model naghahabol sa ‘katawan‘ ng sikat na young actor

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Naapektuhan pala ang lovelife ni Ken Chan noong ginagawa niya ang Destiny Rose. Mahigit isang taon din ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend pero natuloy ito sa hiwalayan habang ginagawa niya ang Destiny Rose. “Baka na-realize niya na mas maganda pala ako sa kanya,” pabirong pahayag ni Ken nang makatsikahan namin sa nakaraang PEP List Awards, kung saan siya ang tinanghal na Best Teleserye Actor.

Halos araw-araw daw siyang nagti-taping noon kaya nawalan na siya ng oras sa girlfriend hanggang sa madalas na ang kanilang pag-aaway at humantong sa hiwalayan. Kaya natapos daw ang Destiny Rose na single na siya.

Mas mabuting mag-focus na lang daw muna siya sa trabaho bago magka-lovelife uli.

PAK: Pangako pala ni Tom Rodriguez sa magulang niya na ikukuha niya ng bahay sa Subic ang mga ito para dito na sa Pilipinas manirahan. Nagpapagaling pa raw kasi ang Daddy niya na inoperahan at nagpapa-chemo dahil sa lung cancer.

Sabi ni Tom sa presscon ng bagong drama series niyang Someone To Watch Over Me, kapag okay na raw ang Daddy niya ay aayusin na niya ang pagtira nila rito. Kaya super kayod siya ngayon para makaipon.

Kapag okay na raw ang kalagayan ng magulang niya, doon na niya paplanuhin ang pagpapakasal nila ni Carla Abellana. “That’s been my goal eh, kaya ako nagtrabaho para sa kanila. So hopefully ‘pag tapos na ‘yung sa sarili ko, ‘yun na ang next in line,” nakangiting pahayag ni Tom.

Wala naman daw siyang ibang gusto pang mangyari sa relasyon nila ni Carla kundi ang magpakasal.

Sa September 5 na pala magsisimula ang Someone To Watch Over Me sa GMA Telebabad.

BOOM: Walang kamalay-malay ang isang baguhang male model na ginamit pala ang katawan niya para sa isang commercial ng sikat na young actor. Lumalabas na sa bagong commercial ng isang food product na sobrang ganda ng katawan ng sikat na young actor na endorser nito. Nakita ng baguhang model ang commercial at kilalang-kilala niya ang katawang naka-focus. Naalala niyang ipina-shoot siya ng manager niya sa isang commercial kung saan ang katawan lang niya ang kinunan. Hindi raw niya alam na gagamitin pala ito sa commercial ng sikat na young actor. Ang buong akala raw niya ay maganda ang katawan ng young actor, iyon pala mas maganda ang katawan niya at ito ang ginamit sa naturang commercial.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with