^

PSN Showbiz

Ogie walang planong mag-celebrate ng birthday

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

This Friday at Saturday na ang two-night birthday concert ni Ogie Alcasid billed Ayokong Tumanda sa Music Museum. Bukod kina Regine Velasquez, Lara Maigue, Davey Langit, Q-York, Basti Artadi at AiAi delas Alas na guest sa Aug. 27, nadagdag na guest sa concert ang batang winner sa Lola Playlist at pati ang runner-up nito. Nagre-rehearse na si Francis Aglabtin at talaga namang mahusay ang bagets.

Kakaiba ang concert ngayon ni Ogie dahil nakapag-promote siya sa ABS-CBN at GMA-7. Sinamahan pa nga siya ni Regine nang mag-promote sa Magandang Buhay na nag-trending, kaya tuwang-tuwa si Ogie.

Galing kay Ogie mismo ang concept ng Ayokong Tumanda nang i-suggest niya sa production na gusto niyang kantahin uli ang mga lumang songs niya. Biniro siya na ayaw niyang tumanda at doon na nanggaling ang concept at title. Isa sa kakantahin ni Ogie ang Ayaw Kong Tumanda ng Itchyworms.

Kaya si Floy Quintos ang direktor ng concert ay dahil ito ang first director niya nang siya’y magsimula sa Ogie Da Pogi. “Four years din akong hindi nag-concert. This is my way of starting again at sa September, may concert ako sa Kia Theater naman,” pag-a-announce ni Ogie.

Nang ma-interview si Ogie para sa two-night concert, wala pang plano na party sa birthday niya dahil may concert nga siya sa Aug. 27. Pero hindi siya magugulat kung sorpresahin na lang siya ni Regine at magpa-party after the concert.

Alden ibo-boycott daw ng fans nila ni Maine sa Encantadia

Anniversary presscon kagabi ng Sunday PinaSaya at victory party na rin dahil sa pananalo ng Best Comedy Show sa PEP List Awards.

Matatanong na rin ang producer ng SPS kung kailan sila lilipad pa-Japan na treat ni Mr. Tony Tuviera sa first anniversary ng prgrama. Malalaman na rin kung sino sa cast ang kasama dahil nagiging isyu sa ibang AlDub Nation na magkakasama sa Japan sina Alden Richards at Julie Anne San Jose.

Hindi lang three days lalabas si Alden sa Encantadia bilang si Lakan kundi three weeks at natutuwa ang fans ng aktor lalo na ‘yung nami-miss siyang mapanood in straight and serious acting.

Nakakalungkot lang na may basher na nananawagan sa AlDub Nation na ‘wag daw panoorin si Alden sa Encantadia dahil kung mag-rate ang episode na guest siya ay baka maging simula na ‘yun ng pagkasira ng love team nila ni Maine Mendoza.

Ang paniwala ng bashers, ‘pag nagklik si Alden sa Encantadia, itutuloy ito ng GMA-7 na pagtambalin sina Alden at Jennylyn Mercado sa Pinoy adaptation ng My Love From The Star.

Gabby matagal napahinga

Nakausap namin saglit si Gabby Eigenmann sa PEP List Awards at nalamang pumasok siya sa Sa Piling Ni Nanay. Hindi pa kasi masimulan ang taping ng My Love From The Star dahil nagpapa-audition pa ang GMA-7 sa gaganap na Matteo Do.

Nami-miss na ni Gabby ang magkaroon ng regular soap dahil matagal na ang huli niyang soap, kaya okay sa kanya na maging part ng Sa Piling Ni Nanay.

Tom dinadamayan ni Carla

Pagkatapos ng interview kay Tom Rodriguez sa presscon ng Someone To Watch Over Me, marami ang nainggit kay Carla Abellana dahil for the first time ay very open si Tom sa pag-aming mahal niya ang aktres. Hindi lang mahal, mahal na mahal niya ang GF. Paulit-ulit ding binanggit ni Tom how lucky he is to have Carla as his GF.

Una na ring nabanggit ni Tom sa right time ay gusto niyang pakasalan si Carla. Nag-iipon daw siya dahil gustong mabigyan ng magandang buhay ang magiging asawa at magiging mga anak.

Malaking tulong si Carla at pamilya nito kay Tom ngayong may sakit ang ama ng aktor na nasa Amerika.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with