^

PSN Showbiz

Pa-cute lang daw, Sen. de Lima ikinukumpara kay Bimby

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Malupit ang mga mapanglait na Pinoy dahil ikinukumpara nila si Bimby Yap kay Senator Leila de Lima dahil kiyeme-kiyeme na hindi nito alam ang ibig sabihin ng “bukbukin at binulatlat” na dialogue ng isang witness sa imbestigasyon ng senado sa extra-judicial killings noong Lunes.

Please spare Bimby naman. Hindi porke’t nagtanong siya ng “Mama what’s sulit?” sa isang te­levision commercial nila ni Kris Aquino eh dapat nang i-compare ang bagets kay De Lima na nagtanong kung “What’s bukbukin and what’s binulatlat?”

Bagets na bagets pa si Bimby nang gawin nila ng nanay niya ang TV commercial kaya believable na hindi alam ng bata ang kahulugan ng sulit.

Hindi siya dapat i-compare kay De Lima na pinagbibintangan na nagpapa-cute sa senate inquiry nang magtanong siya tungkol sa meaning ng bukbukin at binulatlat.

Lovi sumumpang wala pang bagong dyowa

Hindi naman pinabulaanan ni Lovi Poe sa presscon ng Someone To Watch Over Me na siya ang nakipaghiwalay sa kanyang boyfriend na si Rocco Nacino.

Maganda ang explanation ni Lovi na sumumpa na walang bagong boyfriend pagkatapos makipag­hiwalay kay Rocco.

Hindi pa natatapos ng mag-ex-dyowa ang shooting ng Lakambini, ang pelikula na pinagbibidahan nila.

Walang magiging problema sa parte ni Lovi dahil handa ito na makatrabaho si Rocco na nagsalita rin na ready na tapusin ang pelikula nila ng ex-girlfriend niya.

Tom patay na patay kay Carla

Si Lovi ang bidang babae sa Someone To Watch Over Me. Siya ang “someone” at si Tom Rodriguez ang “me” sa upcoming primetime teleserye ng GMA-7.

Walang reporter na nangahas na lagyan ng romantic angle ang pagtatambal nina Lovi at Tom sa Someone To Watch Over Me dahil alam nila na madly in love si Tom kay Carla Abellana.

Other leading lady sa teleserye ng Kapuso Network si Max Collins na imposible rin na ma-link kay Tom dahil going strong ang relasyon nila ni Pancho Magno, ang Hitano ng Encantadia.

James at Nadine wala pa rin pahinga pagkagaling ng Greece

Balik-Pilipinas noong Lunes sina James Reid at Nadine Lustre matapos ang halos sampung araw na taping sa Greece para sa kanilang bagong te­leserye sa ABS-CBN, ang Till I Met You.

Walang pahinga ang JaDine dahil magiging busy na sila sa promo ng teleserye nila na magsisimula sa August 29.

Excited na ang JaDine fans na mapanood ang Till I Met You dahil na-miss nila nang todo sina James at Nadine nang mag-babu ang On The Wings of Love na nanalo bilang Primetime Teleserye of the Year sa The PEP List Awards Year 3 noong Linggo.

‘Di tulad ng isang aktor, Pacman nahanapan ng oras sina Jinggoy at Bong

Dumalaw si Senator Manny Pacquiao kina Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr. sa PNP Custodial Center noong isang araw.

Kahit busy ang schedule ni Papa Manny, nakahanap siya ng panahon para bisitahin sina Bong at Papa Jinggoy na natuwa sa ginawa ng Pambansang Kamao na never na nakakalimot sa kanila.

Hindi na nagpang-abot sa senado ang tatlo dahil tapos na ang mga term nina Papa Jinggoy at Bong nang mahalal na senador si Papa Manny noong May 2016.

Mabuti pa si Papa Manny, may time para kina Papa Jinggoy at Bong. Hindi siya katulad ng isang aktor na hindi pa nagpapakita sa PNP Custodial Center, hitsurang dalawang taon nang nakakulong sina Papa Jinggoy at Bong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with