^

PSN Showbiz

Hitad na aktres kayang lumamon ng dalawang kahong pizza

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang gabing ayaw tumigil ang pagkalakas-lakas na ulan ay pinagpistahan sa isang umpukan ang isang female personality na pare-pareho nang nakatrabaho ng tropa ng mga beki.

Ang dalawang beki ay palagi nang nagseserbisyo sa pamilya ng babaeng personaldiad nu’ng hindi pa siya nag-aartista. Mahilig sa pagdiriwang ng kahit anong okasyon ang pamilya ng aktres.

Ang ibang beki naman ay nakakatrabaho ng female personality ngayong artista na siya, may kani-kanyang kuwento ang mga beking naghihintay ng pagtila ng ulan, sundan natin ang kanilang mga istorya.

Beki A, “Nu’ng hindi pa siya artista, e, kami na ng friend kong stylist ang nag-aayos sa family nila. Okey naman sila, kaya lang, may pagka-Madam Curie ang pamilyang ‘yun!

“Tagaktak na ang pawis ng mga beki, pero wala silang pakialam, hindi nila alam ang kalakaran na maraming customers ang nagbibigay ng tip sa mga nag-aayos sa kanila!

“Mula sa tatay, nanay hanggang sa mga anak, sarado talaga ang mga palad nila. Mga boksingero sila, hindi sila karatista, puro sila kuring!

“Nu’ng minsang magpaayos uli sa amin ang madir after a long time, e, biniro namin siya. Artista na ang anak niya, bekenemen, ‘di ba? Pero waley pa rin, nuknukan pa rin siya ng kakuringan!” tawa nang tawang kuwento ng beki.

Mas kuring kuno ang anak kesa sa nanay, patotoo naman ng mga beking nakakatrabaho na ngayon ng female personality, wala siyang pakisama at deadma siya sa world.

“Alam mo bang kumakain ang hitad na ‘yun nang siya lang at hindi man lang nang-aalok? Kaya niyang ubusin ang isang malaking pizza. Siya lang ang kumakain, ngasab lang siya nang ngasab, wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya! Maramot!” komento ng beki.

Kinalabit ng katabing beki ang nagkukuwento, ang sabi nito, “Ikaw naman, kahit dalawang kahon ng family pizza, e, kaya niyang lafangin! Sa laki ng bunganga niyang ‘yun, nagtaka ka pa!”

Ubos!

Kaya pinupupog ng bashers Jessy type na type urutin si Angel

Siguro nga ay masyadong ini-enjoy ni Jessy Mendiola ang ginagawang pamba-bash ngayon sa kanya sa social media. Baka nga may kakaibang kaligayahan siyang nararamdaman kapag nilalait-lait siya ng mga tagasuporta ni Angel Locsin.

At siguradong kinikilig siya sa ginagawang pagtatanggol sa kanya ni Luis Manzano. Mas napapaaway at nang-aaway ng mga bashers ang kanyang boyfriend ay mas maligaya nga siguro si Jessy.

At tanggap na rin siguro ng dalaga sa kanyang sarili ang bagong titulong ibinigay sa kanya ng mga netizens, bukod sa pinakaseksing babae sa taong ito, kanyang-kanya na rin ang korona bilang Pata Queen.

Si Jessy mismo ang gumagawa ng dahilan para siya pupugin ng mga bashers, siya ang naglalapit sa kanyang sarili sa apoy, dahil sinasadya niyang gayahin ang mga ginagawa ni Angel Locsin.

May retrato si Angel na lumilipad, lumipad din si Jessy, kung may plano kayang tumalon mula sa ituktok ng isang gusali si Angel ay gayahin din ‘yun ni Jessy?

Masaya siguro siyang naiinis ang ex ng kanyang boyfriend, napakatindi siguro ng insecurity ni Jessy kay Angel, kaya siya nagkakaganyan.

Ayan tuloy, negang-nega na ang imahe ng kanyang boyfriend, ng kanyang tagapagtanggol, ng kanyang knight in shining armour, dahil sa kanyang mga kagagawan.

Kapag mahilig kang mang-inis, dapat ay hindi ka naiinis sa sinasabi ng mga bashers, manahimik ka na lang dahil ikaw rin naman ang gumagawa ng multong kinatatakutan mo rin naman pala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with