^

PSN Showbiz

Pia tagumpay ang kampanya

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mukhang all systems go na para sa 2016 Miss Universe beauty pageant na muling gaganapin sa Pilipinas sa ikatlong pagkakataon on January 30, 2017.

Aabot umano ng $1?1-M ang pagma-mount ng Miss Universe pageant pero walang gagastusin dito ang gobyerno dahil magmumula ang funding sa private sector bilang sponsors.

Nagbunga rin sa wakas ang pakikipag-meeting ng reigning Miss Universe na si Pia Wur­tzbach kay Pangulong Rodrigo “Digong” Du­terte kamakailan lamang kasama ang ilang opisyales ng Miss Universe.

Magiging malaking challenge rin ito sa bagong upong Tourism Secretary na si Wanda Teo dahil ito ang unang pinakamalaking project na kanyang hahawakan magmula nang siya’y ma-appoint ni Pangulong Duterte bilang Secretary of Department of Tourism.

Ang unang Miss Universe na ginanap sa Pilipinas ay noong 1974 sa Folk Arts Theater kung saan naman ipinasa ng ikalawang Filipina Miss Universe na si Margie Moran ang kanyang korona sa Miss Spain representative na si Amparo Muñoz.

Taong 1994 ang second time na ginanap sa Pili­pinas ang prestihiyusong Miss Universe pa­geant kung saan nanalo ang Miss India na si Sushmita Sen. Ipinasa sa kanya ang korona ng 1993 Miss Universe, si Dayanara Torres ng Puerto Rico. Tulad ng alam ng lahat, naging ka­sin­tahan ng actor na si Aga Muhlach ang dating Miss Universe na si Dayanara pero ang napangasawa ng aktor ay ang 1994 4th runner-up sa Miss Universe na si Charlene Gonza­les. Sa 1994 Miss Universe din su­mali ang ex-wife ni Ogie Alcasid na si Michelle van Eime­ren representing Australia. Si Ogie naman ang kinuhang mascot ng Miss Universe kung saan sila nagkakilala ni Michelle.

Ang kinatawan ng Pilipinas sa 2016 Miss Universe ay ang 2016 Bb. Pilipinas-Universe winner na si Maria Mika Maxine Medina.

Next to Miss Universe, dapat siguro ganapin din sa Pilipinas balang araw ang Miss World kung saan nanalo for the very first time si Megan Young in 2013.

Sunshine ?hoping na makakaganti sa asawa?

Nagharap na sa korte sa Quezon City Justice Hall sa sala ni Judge Cleto Villacorta ang estranged couple na sina Sunshine Dizon at Timothy Tan na ang unang dininig ay may kinalaman sa kustodiya ng kanilang dalawang anak.

Pinayagan umano ni Sunshine na maka­usap sa telepono ng dating mister ang kanilang mga anak pero hindi niya ito pinapayagang ipakita sa ama.

Si Sunshine ay nagsampa ng dalawang kaso laban sa dating asawa, ang Anti-Violence Against Women and Children at concubinage na didinggin on August 10 habang ang Habeas Corpus on August 18.

Since mahaba-habang proseso ang court hea­rings, maraming beses magkikita at maghaharap ang dating mag-asawang Sunshine at Timothy.

Samantala, dahil sa kanyang pinagdaanan, aminado si Sunshine na ito umano ang nagpatatag sa kanya bilang tao. Unti-uti na rin siyang nakaka-move on at sa bagong sitwasyon nila ng kanyang mga anak.

Kahit kasisimula pa lamang dinggin ang kaso, umaasa ang Kapuso singer-actress na maka­ka­m­tan niya ang hustisya.

Arci babaeng walang pahinga

Mukhang may next big star ang Viva Artists Agency sa katauhan ng singer-actress na si Arci Muñoz na isa ngayon sa mga pinakaabalang talent sa bakuran ng Viva at ABS-CBN.

In demand ngayon si Arci sa pagiging cele­brity endorser ng iba’t ibang produkto ganoon din sa telebisyon at pelikula. Malaking bagay ang pagi­ging hit ng first team-up nila ni Gerald Anderson, ang Always Be My Maybe na idinirek ni Dan Ville­gas na siya ring nagdirek ng hit movies na English Only Please, Walang Forever at ang palabas ngayong How To Be Yours na unang tambalan nila Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Pagkatapos ng hit teleserye na Pasion de Amor, may bagong TV series na pinagkakaabalahan ngayon si Arci, ang Never Say Goodbye na pinag­­tatambalan nila ni Jericho Rosales. May bagong movie rin siyang ginagawa under Star Cinema, ang Extra Service na pinagsasamahan nila nina Coleen Garcia at Jessy Mendiola. Malapit na ring ipalabas ang Camp Sawi under Viva Films kung saan naman niya mga kabituin sina Andi Eigenmann at Bela Padilla kasama si Ri­co Blanco.

Arci is going steady with Badi del Rosario ng Mr. Bones and the Boneyard Circus band.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with