^

PSN Showbiz

Edu hindi na tumitikim ng karne

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pescatarian na pala si Edu Manzano na ang ibig sabihin ay walang meat sa food niya kundi fish, eggs, fruits and vegetables at brown rice lang. Nabasa namin sa Instagram (IG) ni Edu na three weeks na siyang pescatarian at sabi nito, “I’m sleeping better and find myself packing more energy.”

Si Chef Rob Lau ng Gourmade ang naghahanda ng food ni Edu at tama ba ang basa namin na 1,500 calories in one day lang dapat ang food niya? Pinost nito ang meal niya for one day at okay ‘yung breakfast at lunch, sa dinner kami naloka dahil Shrimp Kimchi Wrap lang ang food niya.

Sinagot ni Edu ang tanong ng followers niya at nabanggit na wala siyang reklamo at nagwu-work sa kanya bukod pa sa very tasty daw ang food niya. Worth a try daw ito sa mga gusto ring maging pescatarian.

Matatanong pa si Edu tungkol sa pagiging pescatarian sa presscon ng Someone To Watch Over Me na sa September na ang airing. Balik-GMA-7 at balik-soap si Edu rito bilang ama ni Tom Rodriguez na magkakaroon ng onset Alzheimer’s disease. Naghahabol ng pagmamahal ng anak ang tawag ni Edu sa kanyang role.

Sa direction ni Maryo J. Delos Reyes, kasama rin sa cast sina Lovi Poe, Ja­ckie­lou Blanco, Isay Al­va­­rez at Ronnie Lazaro. Nag-taping na si Edu at sa in­terview, ina­ming ninerbyos siya dahil ayaw niyang ma-dis­appoint si Direk Maryo at ang co-stars niya.

Kim pumiyok na sa club dati rumaraket

May omokray sa gown na suot ni Kim Domingo sa victory party ng FHM 100 Sexiest, pero hindi na ‘yun pinansin ng dalaga na tuwang-tuwang nakasama siya sa mga rumampa. Hindi alam ng audien­ce, pero kinabahan pala ito nang rumampa at  kinaka­bahan nang ma-interview ng mga reporter na nag-press visit sa ta­ping ng Juan Happy Love Story.

Hindi na lang sa Bubble Gang nakokonek si Kim, pati na rin sa Juan Happy Love Story at kilala siyang si Agatha na kabit ni Juan (Dennis Trillo). Malaking tulong kay Kim na maging kumportable sa kanyang mga eksena na mabait sina Dennis at Heart Evangelista. Gentleman daw si Dennis sa naughty scene nila at natawa kami sa sinabi nitong mahiyain pa rin siya kahit naglalabas siya ng katawan.

Nagulat kami sa nabanggit ni Kim na sumali pala siya sa Artista Academy ng TV5 at Pinoy Big Brother ng ABS-CBN at pareho siyang bigo. Inamin din nitong nagtrabaho siya sa Hollywood Club pero nagbenta lang siya ng Remy Martin at hindi siya nagsayaw.

Ibinalita rin nito na sa August, guest siya sa Magpakailanman at life story niya ang tampok.

Medyo malungkot ang buhay ni Kim dahil hindi nito nakilala ang French dad niya, hindi rin niya natapos ang Dentistry course dahil kinulang sila ng pera.

Viva artists mabenta pa rin sa TV5

May tsikang nagkaroon ng falling out ang Viva Communications at ang TV5, pero bakit karamihan sa cast ng tatlong bagong serye ng Sari-Sari Channel ay Viva stars?

Unang eere ang teen-horror serye na Ang Kwarto sa May Hagdanan na pinagbibidahan nina Andrew Muhlach, VJ Marquez at Mayton Eugenio. Ang tungkol sa nagmumultong si Choleng (Mayton) na makikita ni Mark (VJ) iikot ang istorya nito. Mapapanood na ito this Saturday, 9 p.m.

Sexy-drama series naman ang tema ng Wives of House of no. 2 tampok sina Antoinette Taus, Phoemela Barranda, Sarah Pagcaliwagan at Katya Santos. Kundi sa August ay sa September ang airing nito.

Isa pang show na exclusive mapapanood sa Sari-Sari Channel ay ang horror-mystery na Where Is Franco? Si Franco ay nai-report na nawawala habang naglalaro ng tagu-taguan. Tampok dito sina Issa Pressman, Arkin del Rosario, Kiko Ramos, Kenzo Ortiz, Cliff Hogan at Angelica Yap. August o September ang airing nito.

Encantadia bibisita sa GenSan

Mixed reactions ang viewers ng Encantadia sa episode last Thursday. Malungkot ang Team Pirena (Glaiza de Castro) dahil hindi sa kanya ipa­mamana ni Reyna Minea (Marian Rivera) ang Encantadia at kaila­ngan pang maglaban ang mga Sang’gre. Matatalo si Pirena at lalayas sa Lireo at mamumuhay sa piling ng amang si Hagorn (John Arcilla) sa Hathoria.

Kinilig naman ang fans nina Ruru M drid at Gabbi Garcia sa una nilang pagkikita at ‘yung ek­se­na sa ilog na pinag-usapan sa social media.

Samantala, nasa GenSan this Saturday sina Glaiza, Gabbi, Sanya Lopez at Kylie Padilla. Kasama nila sina Ruru at Rocco Nacino sa isang show sa Convention and Events Center ng KCC Mall. Magsisimula ang show nila ng 5 p.m., kaya be there!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with