^

PSN Showbiz

Heart mas gustong pahiwa kaysa umere

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hanggang end ng August na lang ang Juan Happy Love Story, pero kahit sina Heart Evangelista at Dennis Trillo ay hindi pa alam kung ano ang magiging ending ng love story nina Happy (Heart) at Juan (Dennis Trillo). Kung si Heart ang masusunod, gusto raw niyang hindi magkatuluyan ang mga karak­ter nila ni Dennis para may part two dahil nag-enjoy siyang gawin ang show at gampanan ang karakter ni Happy. Pati nga si Sen. Chiz Escudero nagustuhan ang naughty rom-com series. Updated ito at nalulungkot na magtatapos na ang show.

Ibinalita rin ni Heart na hindi na siya nahihiya sa kissing scene nila ni Dennis. Nasanay na siya at na­ging komportable. Ang ikinagulat ni Heart, involved ang viewers sa takbo ng story ng Juan Happy Love Story at nagseselos sila kay Agatha (Kim Domingo) para kay Happy.

Si Heart na ang nagsabing mabait si Kim sa mga eksena nila. Nag-iingatan sila ‘pag eksenang mag-aaway at sinasabunutan siya nito. Very gentle ito at game sa mga eksena at kahit ano’ng ipagawa ni director LA Madridejos ay ginagawa nito.

Tuwang-tuwa pala si Heart nang i-like ng isang marketing director ng Hermes ang bags na pini-paint niya. Napatili siya dahil big thing ito sa kanya.

Anyway, sa September 3, sa showroom ng Volkswagen sa The Fort ga­gawin ang art exhibit ng Hermes bags painted by Heart. May 48 Hermes bags sa exhibit na tatawagin Carry Your Heart at magiging strict ang security sa event.

Sunod na ilu-launch ang coffee table book niya kung saan ipi-feature ang Hermes bags na kanyang pinintahan. Sunod na ilu-launch ang cookbook nila ng mom niya with heirloom recipes from her mom’s family kasama ang polvoron na naging daan para muli silang magkabati ng kanyang ina.

Marami pang ginagawa si Heart at puno ang kanyang schedule na ginawa ni Sen. Chiz. Ten schedules a day sana ang gusto ni Heart, pero five schedules lang ang kaya niya.

Sa February 2017 ang plano ni Heart na magka-baby. By that time, ready na siya at na-launch na ang several business niya.

“I don’t think everybody is ready. Natatakot pa nga ako. Takot ako sa karayom. I’ve decided na caesarean ‘pag nanganak na ako. Gusto ko one kid lang. Okay na sa akin ‘yun, ang dami na rin nila,” sabi ni Heart.

Ang tinutukoy ni Heart ay ang stepchildren niya, ang twins ni Sen. Chiz at ang five dogs at three cats na alaga niya.

Dennis hindi sanay sa malaking babae

Gaya ni Heart Evangelista, nag-enjoy din si Dennis Trillo in portraying Juan Salcedo’s role in Juan Happy Love Story. Kahit hindi na sila nagre-read ng lines, alam na nila ang kanilang gagawin.

Challenge lang kay Dennis si Kim Domingo dahil hindi raw siya sanay sa mas malaki at matangkad na babae. Pero madaling ka­trabaho si Kim at walang reklamo sa maseselang eksena.

Magiging busy si Dennis after Juan Happy Love Story sa shooting ng Viva Films movie na Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? kasama sina Anne Curtis at Paolo Ballesteros sa direction ni Jun Lana. Kahapon siya nag­simulang mag-shooting.

May mga show din abroad si Dennis gaya ng kay Julie Anne San Jose sa New Jersey at Ca­na­da at may series of shows pa sila nina Tom Rodriguez, Derrick Monasterio at Alden Richards billed Heartthrobs sa ibang bansa rin.

Regine balik-Viva!

Balik-Viva Records na nga si Regine Velasquez dahil may nakita kaming picture niya na kuha sa Viva Entertainment office kasama si Vincent del Rosario at mga bossing ng Viva Records.

Kasama ni Regine si Cacai Velasquez-Mitra na kanyang ma­na­ger at mukhang meeting na nga ang ipinunta ng magkapatid sa Viva.

Ang inilagay na hashtag ni Cacai sa pinost niyang picture ay #R30Album #R30Concert at #Viva+IME. Ang dating sa amin, hindi lang ang album ni Regine ang ipoprodyus ng Viva, pati rin ang concert nito sa October to celebrate her 30th anniversary in showbiz.

Sa launching ng cookbook ni Regine na Bongga Sa Kusina, nabanggit ang pagbabalik niya sa Viva. Pinag-iisipan pa niya kung tatanggapin ang offer ni Mr. Vic del Rosario na pelikula dahil feeling niya, hindi na siya bagay sa movies.

Ang isa pang hihintayin ng fans ni Regine ay ang musical comedy show niya sa GMA-7 na sa September daw ang airing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with